Remove ads

Ang lingguwistika o linggwistika (mula Espanyol lingüística),[1][2] kilala rin sa tawag na dalubwikaan, aghamwika, o agwika,[3] ay ang maagham na pag-aaral sa mga wika ng tao.[4] Sakop nito ang lahat ng mga pagsusuri sa bawat isang bahagi at aspeto ng wika, gayundin sa mga kapaaranan para mapag-aralan sila at magawan ng mga modelo.

Ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaksis, semantika, at pragmatika ay ang mga tradisyonal na disiplina sa ilalim ng lingguwistika.[5] Pinag-aaralan ng mga ito ang mga penomenang nagaganap sa mga sistema ng lingguwistika ng tao: tunog (pati galaw, para sa mga wikang nakasenyas), maliliit na yunit (tulad ng salita at morpema), mga parirala at pangungusap, gayundin ang kahulugan at paggamit.

Tinatawag na mga dalubwika o lingguwista ang mga taong dalubhasa sa lingguwistika.[6][7][8]

Remove ads

Pagsusuri sa palawikaan

  • Sinkronika[patay na link] at diakronika (synchronic and diachronic) - Binabahala ng sinkronika na pag-aaral ng wika ang kanyang anyo sa isang bigay na sandali samantala sinasakop ng diakronika na pag-aaral ang kasaysayan ng isang (grupo ng) wika at ang pagbabago ng kayarian sa paglipas ng panahon.
  • Teoretiko at nilapat - Binabahala ng linggwistikang teoretiko ang mga balangkas o sistema para isalarawan ang kanya-kanyang wika at teoriya tungkol sa unibersal na aspekto ng wika samantala ang nilalapat ng linggwistikang nilapat ang mga teoriyang ito sa ibang larangan.
  • Kontekstwal at malaya - Binabahala ng linggwistikang kontekstwal kung papaano iangkop ang wika sa mundo: ang kanyang tungkulin sa lipunan, paano ito nakuha, paano ito nilikha at namataan. Binabahala naman ng malayang linggwistika ang wika para sa kanyang sariling kapakinabangan, maliban sa panlabas na kaugnay na wika.
Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Remove ads

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.

Remove ads