Ang mga lindol sa Batangas ng 2017 ay ang magkakasunod na lindol[2] na yumanig mula unang bahagi ng Abril hanggang kalagitnaan ng Agosto 2017. Naapektuhan ang lalawigan ng Batangas pati kalapit na mga lugar.
Mga lindol sa katimugang Luzon ng 2017 | |
UTC time | 2017-04-08 07:09:23 |
---|---|
ISC event | 610639847 |
USGS-ANSS | ComCat |
Local date | 8 Abril 2017 |
Local time | 15:09:21 PST |
Magnitud | 6.0 Ms[note 1] |
Lalim | 8 km (5 mi) |
Uri | Tectonic |
Apektadong bansa o rehiyon | Batangas, Laguna, Kalakhang Maynila, Cavite, Mindoro, Ibang mga lugar ng Luzon |
Kabuuang pinsala | ₱18 milyon (lindol noong Abril 4) |
Pinakamalakas na intensidad | PEIS – VII (Destructive) |
Tsunami | Wala |
Mga kasunod na lindol | 2,390 |
Nasalanta | 6 nasugatan |
Fault sa Batangas
Dahil sa mga fault nang Batangas kaya lumindol ay dahil na rin sa hinog na ang mga ito at ilang taon na ang nakalipas na hindi ito gumalaw tulad nang, tinagurian itong Lubang Fault at Verde Fault nang Batangas Fault Segments, West Valley Fault na may kakayahang maglabas nang enerhiyang aabot sa 7.2 na lindol ang maaring gumiba sa Kalakhang Maynila at ilang mga karatig na probinsya.
Mga lindol
Abril 4 at 8
Unang yumanig ang magkakasunod na lindol noong Abril taong 2017 sa araw nang 4 at 8 sumunod pa na mga araw dahil sa paggalaw na mga fault sa lupa ang mga fault na ito ay nasa bahagi ng Isla nang mga Verde noong ika Abril 4 at sa Isla ng Lubang ay noong ika Abril 8, nagulantang mga residente dahil sa sunod sunod na pag lindol, na sanhi rin nang init nang panahon sa probinsya, nitong Agosto 11, 2017 niyanig nang 6.3 ang Nasugbu sa Batangas dahil rin sa fault.
Agosto 11
Yumanig ang isang 6.3 na lindol noong ika-11 ng Agosto, 2017, 1:28 ng hapon (oras sa Pilipinas). Ang episentro ay nasa layong 160 kilometro sa kanlurang bahagi ng Nasugbu, Batangas. Naramdaman ito sa mga bahagi ng Kalakhang Maynila, Laguna, Kabite, Zambales, Bulacan, Rizal, Bataan at ilang bahagi nang Mindoro naitala ang episentro nito sa pulo nang Lubang sa pagitan nang Kabite at Batangas, naramdaman din ito sa mga lungsod ng Tagaytay, Calamba, Trece Martires, Batangas at ilang lunsod sa Kalakhang Maynila.
Naglikha ito ng paggalaw, pagbitak ng lupa, pagguho ng mga estruktura at iba pa. Nasira ang ilang mga kabahayan, bumitak ng mga kalsada, at pag-uka ng lupa ang naitala sa ilang bahagi nang Batangas dahil sa paglindol.
Tingan din
Mga sanggunian
Talababa
Mga kawing panlabas
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.