From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Papa Leon XIII o Papa Leo XIII (2 Marso, 1810—20 Hulyo, 1903), ay isang paring Italyano at nagsilbi bilang Papa at tagapamahala ng Simbahang Katoliko. Ipinanganak bilang Konde Vincenzo Gioacchino Raffaele Luigi Pecci, ay ang ika-256 na Papa ng Simbahang Romano Katoliko, na namuno mula 1878 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1903,[1] at pumalit kay Papa Pio IX. Naglingkod hanggang sa edad na 93, siya ang pinakamatandang papa, at ang ikatlong may pinakamahabang panahon sa pontipise, sa likod nina Papa Pio IX at Papa Juan Pablo II. Kilala siya bilang ang "Papa ng Manggagawang Tao" at "Ang Papang Panlipunan".
Leon XIII | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 20 February 1878 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 20 Hulyo 1903 |
Hinalinhan | Pius IX |
Kahalili | Pius X |
Mga orden | |
Ordinasyon | 31 Disyembre 1837 ni Carlo Odescalchi |
Konsekrasyon | 19 Pebrero 1843 ni Luigi Emmanuele Nicolò Lambruschini |
Naging Kardinal | 19 Disyembre 1853 |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Vincenzo Gioacchino Raffaele Luigi Pecci |
Kapanganakan | 2 Marso 1810 Carpineto Romano, Roma, Imperyong Pranses] |
Yumao | 20 Hulyo 1903 (sa gulang na 93) Palasyong Apostoliko, Roma, Kaharian ng Italya |
Eskudo de armas | |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Leon |
Bilang tagapagtaguyod ng karapatang panlipunan noong mga huling panahon ng ika-19 dantaon, iminungkahi niya ang pagbibili o pagbebenta ng mga lupaing Katoliko (pag-aari ng mga kapariang Kastila) na nasa Pilipinas.[2]
Iginawad ni Papa Gregorio XVI kay Pecci ang pamagat na Monsignore (Monsinyor).[3] Noong 1903, nagkaroon ng mga pagdiriwang ng Hubileong Ginintuan na bumalik-tanaw sa 50 mga taon magmula nang mapangalanan si Pecci bilang isang kardinal.[4]
Noong 1846, dinalaw niya ang London kung saan nakaharap niya si Reyna Victoria.[5]
Si Pecci ay naging Obispo ng Perugia sa loob ng 32 mga taon, magmula 1846 hanggang 1878.[6]
Itinaas ni Papa Pio IX ang ranggo ni Pecci upang maging kardinal noong 1853.[3]
Noong 1878, nahalal si Kardinal Pecci bilang Papa.[7] Pagkaraan ng pagkahalal sa kaniya, hindi kailanman lumabas si Papa Leon sa hangganan ng mga tarangkahan ng Batikano.[3] Nanungkulan si Papa Leon XIII hanggang sa edad na 93. Siya ang pinakamatandang papa at ang pangalawang may pinakamahabang pamumuno bilang papa bago ang pagiging papa ni Papa Juan Pablo II. Nakilala si Papa Leon XIII bilang ang "Papa ng Naghahanapbuhay na Tao."
Namatay si Papa Leo XIII sa edad na 93 dahil sa pulmonya at katandaan.[3]
Ibinurol si Papa Leo XIII sa Basilika ni San Pedro. Inilibing siya sa Basilika na San Juan Laterano,[3] na opisyal na luklukan ng Obispo ng Roma.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.