Bagtingan
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang bagtingan, kahon ng tinig o kahong pantinig (Ingles: larynx kapag isahan, na nagiging larynges kapag maramihan; tinatawag ding voice box), na tinatawag ding kahon ng babagtingan o "kahon ng gulung-gulungan" (bagaman mayroon pang ibang kahulugan ang salitang gulung-gulungan; sa diwang ito ang gulung-gulungan ay nangangahulugang "gulungan" ng tinig), ay isang organo na nasa loob ng leeg ng mga ampibyano, mga reptilya, at mga mamalya (kabilang ang mga tao) na kasangkot sa paghinga, paggawa ng tunog, panananggalang ng trakeyang pangbertebrado laban sa aspirasyon o pagkasamid (mahirinan ng pagkain). Namamanipula o napapamahalaan nito ang tinis (pitch sa musika) at bolyum (presyon ng tunog). Nakapaloob sa kahong pangtinig ang mga kalupiang pangtinig (na hindi naaangkop na natatawag bilang mga "kuwerdas na pangtinig"), na mahalaga para sa ponasyon. Nakalagak ang mga kalupiang pangtinig sa ibabaw lamang kung saan ang pitak ng pharynx ay nahahati upang maging trakeya at lalanga (esopago).
Bagtingan | |
---|---|
Mga pagkakakilanlan | |
TA | A06.2.01.001 |
FMA | 55097 |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.