Sa botanika, ang isang halamang palaging luntian[1][2] (Ingles: evergreen; Lumang Tagalog: katakataká o siemprebibo[3]) ay isang halaman na palagiang may mga dahong luntian at gumagana sa lahat ng mga panapanahon. Kabaligaran ito ng mga halamang deciduous o naglalagas ng dahon, na nawawalan ng lahat ng mga yabong tuwing taglamig o tagtuyot (karamihan sa mga halaman ang nalalagasan ng mga dahon kapag panahon ng taglagas), dahil sa ang halamang palaging luntian ay palaging may mga dahon o nakapagpapanatili ng mga dahon kahit na tagyelo o tagniyebe.

Mga espesyeng palaging luntian

Maraming iba't ibang uri ng mga halamang palaging luntian, parehong mga puno at palumpong. Ang katawagamg binomiyal na Latin, ang sempervirens, na nangangahulugang may likas na pagiging palaging luntian ng halaman, halimbawa:

Cupressus sempervirens (isang sipres)
Lonicera sempervirens (isang honeysuckle o niog-niogan)
Sequoia sempervirens (isang sikwoya)

Magkakaiba ang haba ng buhay ng dahon sa mga halamang palaging luntian mula sa ilang buwan hanggang sa ilang dekada (higit sa 30 taon sa Pinus longaeva o tinatawag sa Ingles na Great Basin bristlecone pine[4]).

Mga pamilyang palaging luntian

Karagdagang impormasyon Pamilya, Halimbawa ...
PamilyaHalimbawa
AraucariaceaeAgathis australis
CupressaceaeSequoia sempervirens
PinaceaePino
PodocarpaceaePodocarpus latifolius
TaxaceaeTaxus baccata
CyatheaceaeCyathea cooperi
AquifoliaceaeIlex aquifolium
FagaceaeLive oak
OleaceaeFraxinus
MyrtaceaeEucalyptus
ArecaceaeNiyog
LauraceaeLaurus nobilis
MagnoliaceaeMagnolia grandiflora
CycadaceaeCycas rumphii
Isara

Walang katulad ang Sciadopitys dahil mayroon sarili itong pamilya na ito lamang ang espesye.

Pagkakaiba sa pagitan ng palaging luntian sa naglalagas ng dahon na mga espesye

Iba't iba ang saklaw ng mga palaging luntian at naglalagas ng dahon na espesye sa mga katanigang morpolohiko at pisiyolohiko. Sa pangkalahatan, may mas makapal na dahon ang mga espesyeng palaging luntian na malapad ang dahon kaysa mga espesyeng naglalagas na dahon, na may isang mas malaking bolyum ng parenkima at espasyo ng hangin bawat yunit ng sukat ng dahon.[5] Mayroon sa pangkalahatan ang mga palaging luntian ng isang mas malaking praksyon ng kabuuang biyomasa ng halaman na mayroon bilang mga dahon (LMF),[6] subalit kadalasan silang may mas mababang potosentesis.

Sa mga lugar kung saan may dahilan para maglagas ng dahon, halimbawa sa panahong malamig o tuyo, kadalasang isang adaptasyon ang mababang antas ng sustansya. Karagdagan dito, mayroon sila sa kadalasan ng matitigas na mga dahon at pinakamahusay ng pagtitipid ng tubig dahil sa kakaunting mapagkukunan sa lugar kung saan sila nakatanim.[7] Ang pinakamahusay na pagtitipid sa tubig sa loob ng mga espesyeng palaging luntian ay dahil sa mataas na kasaganaan kapag ikukumpura sa mga espesyeng naglalagas ng dahon.[7] Samantalang, nawawala ang sustansya ng mga punong naglalagas ng dahon kapag nawawala ang kanilang mga dahon.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.