From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pagpapalabas na panlalaki o paglalabas ng lalaki ay ang pagpapakawala ng tamod at punlay mula sa titi ng lalaki, na karaniwang kaalinsabay ng kasukdulan sa pakikipagtalik o masturbasyon. Kalimitang resulta ito ng pagkaantig na seksuwal o pagkadama ng libog o kahalayan. May mga lalaking nakokontrol ang kanilang pagpapalabas sa pagkakataon na nais nila. May mga lalaki ring may karamdamang may kawalan ng kakayahang labasan ng similya. Mayroon namang nilalabasan ng pluido kahit natutulog. Hindi lamang sa mga kalalakihan nagaganap ito, mayroon ding tinatawag na pagpapalabas na pambabae.[1]
Iba't ibang paraan ang pagpapalabas ng lalaki. Kadalasan ay dumadaloy lamang ito papalabas mula sa titi pero mayroon din na may kakayahang patalsikin ito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.