From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang saloy o daloy ng kuryente (Kastila: corriente eléctrica, Ingles: electric current) ay isang pagdaloy ng karga ng kuryente sa pamamagitan ng konduktor na isang medyum o kasangkapang. Sa ibang pananalita, ito ang pag-agos ng karga ng kuryente.[1] Dinadala ng umaagos na karga ng kuryente sa pamamagitan ng, halimbawa, mga magalaw na elektron sa isang daluyan, mga iono sa isang elektrolito o pareho sa isang plasma.[2]
Daloy ng kuryente | |
---|---|
![]() Ang isang simpleng sirkitong elektriko kung saan ang kuryente ay kinakatawan ng letrang i. Ang relasyon sa pagitan ng boltahe (V), resistensiya (R) at kuryente (I) ay V=IR na kilala bilang batas ni Ohm. | |
Mga kadalasang simbulo | I |
Yunit SI | ampere |
Pagkahango mula sa ibang kantidad | |
Dimensiyon |
Sa mga sirkitong elektriko, ang kargang ito ay kadalasang dinadala ng mga gumagalaw na dagisik (elektron) sa isang kawad. Ito ay maaari ring dalhin ng mga iono sa isang elektrolita o ng parehong iono at dagisik gaya ng sa isang plasma.[3]
Ang yunit SI sa pagsukat ng rate ng daloy ng kargang elektriko ang ampere o amperyo na isang kargang dumadaloy sa isang surpasiyo sa antas ng isang coulomb kada segundo. Ang kuryenteng elektrikal (daloy ng kuryente) ay sinusukat ng isang ammetro o amperimetro.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.