From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kuling (Sarcops calvus) ay isang espesyeng martines (pamilyang Sturnidae) sa monotipikong genus na Sarcops. Endemiko ito sa Pilipinas at likas na tirahan nito ang subtropikal na tuyong gubat, subtropikal o tropikal na mamasa-masang gubat sa mababang lupain, at subtropikal o tropikal na mamasa-masang kagubatan sa bundok. Tinatawag din ito na koleto,[2] koling, iling, at kuhling.[3] Sa Gitnang Bisaya, tinatawag ang ibon na ito bilang sal-ing. Tinatawag naman itong langit at sungko sa Mindanao.[3]
Kuling | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Passeriformes |
Pamilya: | Sturnidae |
Sari: | Sarcops Walden, 1875 |
Espesye: | S. calvus |
Pangalang binomial | |
Sarcops calvus (Linnaeus, 1766) | |
Kasingkahulugan | |
Gracula calva Linnaeus, 1766 |
Noong 1760, isinama ng soologong Pranses na si Mathurin Jacques Brisson ang deskripsyon ng koleto sa kanyang Ornithologie batay sa kanyang ispemen na nakolekta mula sa Pilipinas. Ginamit niya ang pangalang Pranses na Le merle chauve des Philippines at ang Latin na Merula Calva Philippensis.[4] Bagaman si Brisson ang nagbansag ng mga pangalang Latin, hindi ito umaayon sa sistemang dalawahan at hindi kinikilala ng International Commission on Zoological Nomenclature.[5] Nang binago ng naturalistang Suwekong si Carl Linnaeus noong 1766 ang kanyang Systema Naturae para sa ika-12 edisyon, dinagdag niya ang 240 espesye na sinalarawan ni Brisson noong nakaraan.[5] Isa na dito ang kuling. Isinama ni Linnaeus ang maikling deskripsyon, at nilikha ang pangalang dalawahan na Gracula calva at tinukoy ang ginawa ni Brisson.[6] Ang partikular na pangalan ay mula sa Latin na calvus na nangangahulugang "kalbo" o "walang buhok".[7] Ito lamang ang tanging espesye ngayon na kasapi ng Sarcops na ipinakilala ng ornitologong Ingles na si Arthur Walden noong 1875.[8] Pinagsasama ng pangalan ang mga Sinaunang Griyegong salita na sarx, sarkos "laman" at ōps, ōpos "mukha" o "kutis".[9]
Tatlong subespesye ang kinikilala:[10]
Ang pagiging walang balahibo sa ulo nito ang kapansin-pansing katangian ng kuling. Sa mga kuwentong-bayan sa Pilipinas na nilikom ni Dean Fansler, sinasabing nakalbo ang kuling dahil lumipad ng mataas sa langit at nasunog ang balahibo sa ulo pagkatapos na makipagtatalo nito sa isang pugo.[11] Sa katunayan, mukhang kalbo ang kuling dahil may malaking bahagi sa palibot ng mata ang nakatambad, at nahihiwalay lamang ng napakakitid na balahibo sa tutok ng ulo nito.[3] Kulay rosas ang nakatambad na balat nito sa ulo habang maputlang kulay abo ang likuran nito mula leeg pababa sa puwitan hanggang sa tagaliran.[12] Itim naman ang kulay ng natitirang ilalim na bahagi at pakpak nito.[12]
Ayon sa IUCN, pinakamaliit na pag-alala sa pagpapanatili ng kuling. Bagaman, lumiliit ang bilang nila dahil sinasanay sila maging alagang hayop, at hinuhuli sila sa iresponsableng pangangaso at kalakalan.[2] Naging paboritong kinukulong na alagang hayop sila dahil mukha silang kiyaw (Gracula religiosa o common hill myna) na ginagaya ang boses ng tao subalit hindi maganda ang paggaya ng kuling.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.