Kutiyapi
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kutiyapi o kudyapi ay isang dalawang-kuwerdas, laudeng-bangkang tinitipa na mula sa Pilipinas. May haba ito mula apat hanggang anim na talampakan na may siyam na tipa na yari sa pinatigas na pagkit. Inukit ang instrumento sa malambot na kahoy tulad ng sa puno ng langka.
Karaniwan sa lahat ng mga instrumentong kudyapi, pinapatugtog ang isang paulit-ulit na ugong sa isang kuwerdas habang pinapatugtog ang melodya sa iba, isang oktaba sa itaas ng ugong, na may kabit o kalabit sa yantok (yari sa plastik na ngayon). Karaniwan ang katangian na ito sa ibang "laudeng-bangka" (na kilala din bilang "laudeng-buwaya") sa Timog-silangang Asya, na katutubo sa rehiyon.
Sa iba't ibang mga wika sa Pilipinas, tinatawag ang instrumento bilang: kutyapi, kutiapi (Maguindanao), kotyapi (Maranao), kotapi (Subanon), fegereng (Tiruray), faglong, fuglung (B'laan),[1] kudyapi (Bukidnon at Tagbanwa), hegelong (T’boli), kuglong, kadlong, kudlong o kudlung (Manobo, Mansaka, Mandaya, Bagobo at Gitnang Mindanao),[2][3][4] at kusyapi (Palawan)[5]
Matatagpuan ang kudyapi sa mga pangkat tulad ng mga Bisaya kung saan kumalat tulad ng sa kubing at iba pang instrumentong matatagpuan sa ibang bahagi ng Pilipinas.[6] Habang nakalimutan na ang kutyapi bilang isang instrumento ng mga Tagalog na mababakas lamang sa mga awiting pambayan tulad ng "Sa Libis ng Nayon", ginamit ng mga Tagalog ang isang instrumentong de-kuwerdas sa kasaysayan na binanggit ng pralyeng Heswita na si Pedro Chirino sa Relacion de las Islas Filipinas (1604) na tinawag itong "kutyapi". Hindi tulad ng mga kutyapi sa katimugang Pilipinas, apat na kuwerdas ang instrumentong kutyapi ng mga Tagalog ayon kay Chirino.[7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.