Palihim na kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang partido na minsan ay ipinagbabawal From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kolusyon o pakikipagsabwatan (Ingles: collusion) ang kasunduan sa pagitan ng dalawa o maraming mga indibidwal na minsan ay ilegal at sikretibo upang limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan ng pandaraya, panliligaw o panloloko ng ibang mga tao sa kanilang mga legal na karapatan, o upang magkamit ng obhektibong pinagbababawal na batas sa pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na kalamangan. Ito ay kasunduan sa mga kompanya na hatiin ang pamilihan, magtakda ng mga presyo o limitahan ang produksiyon. Ito ay maaaring sumangkot sa pagmamanipula ng sahod, kickbacks, o maling pagkakatawan sa indepediyensa ng ugnayan sa pagitan ng mga partido nagsasagawa ng kolusyon. Sa mga terminong legal, ang lahat ng mga gawain apektado ng kolusyon ay tinuturing na walang saysay.
Sa pag-aaaral ng ekonomika at kompetisyon sa pamilihan, ang kolusyon ay nangyayari sa loob ng industriya kung ang mga magkakatunggaling kompanya ay nagkakaisa para sa parehong kapakinabangan ng mga ito. Ang kolusyon ay halos kalimitang nangyayari sa loob ng istaktura ng pamilihan ng oligapolyo kung saan ang desisyon ng ilang mga kompanya na magsagawa ng kolusyon ay labis makakaapekto sa pamilihan sa kabuuan. Ang mga kartel ang espesyal na kaso ng hayagang kolusyon. Sa kabilang dako, ang kolusyon na hindi hayagan ay tinatawag na "tacit collusion".
Ayon sa neoklasikong teoriya ng pagtukoy ng presyo at teoriya ng laro, ang independensiya ng mga suplayer ay pumupwersa sa mga presyo sa minimum nito na nagdadagdag ng kahusayan at nagbabawas ng kakayahang tumukoy ng presyo ng mga indibidwal na kompanya (firm). Gayumpaman, kung ang mga kompanya ay magsabwatan upang dagdagan ang mga presyo, ang kawalan ng benta ay napapaliit dahil ang konsumer ay walang mga alternatibong pagpipilian upang bababaan ang mga presyo. Ito ay nagbibigay ng pakinabang sa mga nagsasabwatang kompanya kapalit ng pinsala sa kaigihan ng lipunan.
Ang isang bariasyon o uri ng teoriyang tradisyonal na ito ang teoriya ng nagusot na pangangailangan (theory of kinked demand). Ang mga kompanya (firm) ay nahaharap sa isang kurbang nagusot na pangangailangan kung ang isang kompanya ay nagbawas ng presyo, ang ibang mga kompanya ay sumunod dito upang magpanatili ng mga benta at kung ang isang kompanya ay nagtaas ng presyo, ang mga katunggali nito ay malamang hindi susunod dito dahil ang mga ito ay mawawalan ng pakinabang na benta na makukuha ng mga ito sa pagpapanatili ng mga presyo sa nakaraang lebel. Ang teoriya ng nagusot na pangangailangan ay potensiyal na nagpapaunlad ng supra-kompetetibong mga presyo dahil ang kahit sinumang isang kompanya ay tatanggap ng nabawasang pakinabang sa pagbaba ng presyo na salungat sa mga benepisyong dumadagdag sa ilalim ng teoriyang neoklasiko at ilang mga modelong teoriya ng laro gaya ng kompetisyong Bertrand.
Ang mga kasanayan na nagmumungkahi ng kolusyon ay kinabibilangan ng:
Ang kolusyon ay ilegal sa Estados Unidos, Canada at karamihan sa mga bansa sa Unyon ng Europa dahil sa batas ng kompetisyon/antitrust ngunit ang hindi hayagang kolusyon sa anyo ng pamumuno ng presyo at mga pagkaunawang hindi hayagan ay nangyayari pa rin. Ang ilang mga halimbawa ng kolusyon sa Estados Unidos ay kinabibilangan ng:
Maraming mga paraan na ang isang hindi hayagang kolusyon ay kagawiang nabubuo:
Mayroon mga mahahalagang harang sa kolusyon. Sa anumang ibinigay na industriya, ito ay maaaring kinabibilangan ng:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.