pambatang anime at manga From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang manga na kodomo (子供向け漫画 Kodomo-muke manga) at anime na kodomo (子供向けアニメ Kodomo-muke anime) ay tumutukoy sa manga at anime na tinatarget ang mga bata sampung gulang pababa.[1] Moralistiko kadalasan ang mga seryeng ito, at kadalasang tinuturuan ang mga bata na manatili sa tamang landas ng buhay. Ilan sa mga kilalang halimbawa ang Doraemon, Pokémon at Hello Kitty.
Nagsimula ang manga na kodomo noong huling bahagi ng ika-19 na siglo kasama ang produksyon ng maikling manga, tinatayang 15 pahina ang haba, na nakaimprenta sa mga magasin. Nailikha ang mga maikling manga na ito bilang bahagi ng pagsubok noong panahon ng Meiji na himukin ang literasiya sa mga kabataang Hapon. Isang mahalagang kaganapan sa kasikatan ng anime ay ang paglikha ng Astro Boy, ni Osamu Tezuka, na tinuturing na ama ng anime. [2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.