From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kinesyolohiya o kinetikang pantao (Ingles: kinesiology, human kinetics) ay ang makaagham na pag-aaral ng galaw ng tao. Ang kinesyolohiya ay humaharap sa mga mekanismong pampisyolohiya, mekanikal at pangsikolohiya. Ang paglalapat ng kinesyolohiya sa kalusugang pantao ay kinabibilangan ng mga sumusunod: biyomekanika at ortopediks, pagpapalakas at pagpapakundisyon, sikolohiyang pampalakasan, rehabilitasyon, na katulad ng terapiyang pisikal at okupasyunal, pati na bilang isports at ehersisyo.[1] Ang mga indibiduwal na nagkamit ng mga degri sa kinesyolohiya ay maaaring magtrabaho sa pananaliksik, sa industriya ng pagpapalusog na pangkatawan, mga tagpuang pangklinika, at ang mga kapaligirang pang-industriya.[2] Ang pag-aaral ng mga kilos ng tao at ng hayop ay kinabibilangan ng mga pamamaraan na magmula sa sistemang pambakas ng galaw, elektropisyolohiya ng mga gawain ng masel at utak, sari-saring mga paraan ng pagmamatyag ng tungkuling pampisyolohiya, at iba pang mga teknikang pang-ugali at pampagtalos.[3][4]
Ang kinesyolohiya, ayon sa paglalarawan na nasa itaas, ay hindi dapat maikalito sa nilapat na kinesyolohiya, isang kontrobersiyal[5][6][7] paraan ng pagdidiyagnosis na kiropraktiko.[8]
Ang salita ay nagmula sa mga salitang Griyego na kinesis (galaw) at kinein (gumalaw).
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.