Ang Kimi ga Yo (君が代), na malimit na sinasalin bilang "Ang paghahari mo ay tumagal magpakailan man", ay ang pambansang awit ng Hapon. Ito rin ang isa sa mga pinakamaikling pambansang awit na ginagamit. Mayroon lamang itong 11 na sukat at 32 na karakter.[1] [2] [3] Ang liriko ay binatay sa isang tulang Waka na isinulat noong Panahong Heian at inaawit sa melodiya na sinulat noong Panahong Meiji. Ang pangkasalukuyang melodiya ay pinili noong 1880. Pinalitan nito ang hindi gaanong sikat na melodiya na ginawa labing-isang taon nang nakalilipas.

Agarang impormasyon Liriko, Musika ...
Kimigayo
Ang Mag-hari nang Kanyang Kamahalan
君が代
Thumb
Score ng Kimigayo

Pambansang awit ng  Hapon
LirikoTulang Waka, Heian (794-1185)
MusikaYoshiisa Oku, Akimori Hayashi at Franz Eckert, 1880
Ginamit13 Agosto 1999
Tunog
Kimigayo (Instrumental)
Isara

Kahit na ang Kimi ga Yo ay matagal nang de facto na pambansang awit ng Hapon, noong 1999 lamang itong kinilala ayon sa batas sa pamamagitan ng pagpasa ng Batas Tungkol sa Pambansang Watawat at Awit. Pagkatapos ng pagpapakilala nito, may mga kontrobersiya tungkol sa pagsagawa ng awit sa mga seremonya sa mga pampublikong paaralan. Ang Kimi ga Yo, kasama ng Hinomaru, ay sinasabing simbolo ng imperyalismo at militarismo ng mga Hapones.[1]

Titik

Sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.