From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Søren Aabye Kierkegaard (5 Mayo 1813 – 11 Nobyembre 1855) ay isang pilosopo at teologo mula sa Dinamarka noong ikalabing-siyam na daang taon. Nagkamit siya ng pagkilala bilang unang pilosopong eksistensiyalista.
Ipinanganak | 5 Mayo 1813 Copenhagen, Denmark |
---|---|
Namatay | 11 Nobyembre 1855 42) Copenhagen, Denmark | (edad
Panahon | 19th-century philosophy |
Rehiyon | Western philosophy |
Eskwela ng pilosopiya | Danish Golden Age Literary and Artistic Tradition; precursor to Continental philosophy,[1][2] Existentialism (agnostic, atheistic, Christian), Existential psychology, Absurdism, Neo-orthodoxy, and many more |
Mga pangunahing interes | Christianity, metaphysics, epistemology, aesthetics, ethics, psychology, philosophy |
Mga kilalang ideya | Regarded as the father of Existentialism Angst Existential despair Three spheres of human existence Knight of faith Infinite qualitative distinction The works of love The Absurd Present age The Crowd Levelling Leap of faith Faith as a passion |
Nakaimpluwensiya kay
| |
Lagda |
Nagsulat siya ng maraming pilosopikong mga aklat na hinggil sa pananampalataya, pag-iral o eksistensiya, mga damdamin, at mga emosyon. Hindi niya gusto ang mga taong sumusubok na gawing pampolitika ang Kristiyanismo at hindi rin niya ibig ang mga taong sumusubok na limitahin ang isang indibiduwal para sa pagsang-ayon ng maraming mga tao. Maraming mga tao ang nakatagpo sa kanyang mga gawa bilang may intriga at tinanggap ang mga akdang ito bilang dakilang mga gawa sa larangan ng pilosopiya. Inisip ni Ludwig Wittgenstein, isang pilosopo noong ika-20 daang taon, na si Kierkegaard ang pinaka marubdob o pinaka ganap na tagapag-isip noong ika-19 daang taon.[4][5]
Ipinanganak siya sa Copenhagen, Dinamarka. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Copenhagen at nakatanggap ng degri ng pagkamaestro noong 1841. Sa panahong ito, noong 1837, nakatagpo at umibig siya kay Regine Olsen, isang napakahalagang tao para sa kanya. Bagaman nagkaroon sila ng kasunduang magpapakasal, sa loob ng isang panahon, pinatid ni Kierkegaard ang kasunduang ito noong 1841. Pagkaraan ng kanyang pakikipaghiwalay kay Olsen, itinuon niya ang karamihan sa kanyang oras sa pagsusulat ng magkakasunod na mga aklat, sa isang paraang napakadramatiko ngunit banayad naman. Bilang karagdagan, nagsulat siya at gumamit ng mga bansag para sa kanyang mga akda. Bagaman hindi naging tanyag ang kanyang mga nagawa noong panahon ng kanyang buhay, naging bantog ang kanyang mga akda pagkaraan ng kanyang kamatayan, at nakaimpluensiya sa ika-20 at ika-21 na mga daang taon.
Narito ang ilang mga gawa ni Kierkegaard, na may kasamang mga pamagat na nasa wikang Danes sa gawing kanan:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.