From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kaharian ng Netherlands (Dutch: Koninkrijk der Nederlanden) malimit na tinutukoy na Netherlands ay isang nakapangyayaring estado, at monarkiyang konstitusyonal na may teritoryo sa kanlurang Europa at sa Caribbean. Ang apat na bahagi ng kaharian — Aruba, Curaçao, Netherlands at Sint Maarten — na tinutukoy na "bansa" (landen sa Dutch), ay lumalahok bilang pantay na magkakatuwang sa kaharian.[1] Subalit sa katunayan, karamihan sa mga pakikipag-ugnayan ng kaharian ay pinangangasiwaan ng Netherlands (na may sakop sa humigit-kumulang 98% ng lawak at populasyon ng kaharian) sa ngalan ng buong kaharian. Samakatuwid, nakasalalay ang Aruba, Curaçao, at Sint Maarten sa Netherlands sa ilang mga bagay gaya ng patakarang panlabas at tanggulan, bagaman mayroon silang takdang antas ng awtonomiya sa kanilang mga parlamento.
Ang malaking bahagi ng bansang bumubuo ng Netherlands (pati na rin ng kaharian) ay matatagpuan sa Europa, maliban sa tatlong espesyal na munisipalidad (Bonaire, Saba, at Sint Eustatius) na matatagpuan sa Caribbean. Ang mga bansang bumubuo ng Aruba, Curaçao, at Sint Maarten ay matatagpuan din sa Caribbean.
Kasalukuyang may apat na bansang bumubuo ang Kaharian ng Netherlands na magkakapantay-pantay: Netherlands, Aruba, Curaçao, at Sint Maarten. Tandaang may pagkakaiba ang Kaharian ng Netherlands at ang Netherlands: ang Kaharian ng Netherlands ay ang kabuuang nakapangyayaring estado, samantala ang Netherlands ay isa lamang sa apat na bansang bumubuo nito. Bawat isa sa tatlo sa anim na pulo ng Dutch Caribbean (Aruba, Curaçao, at Sint Maarten) ay ang mga nalalabing bansang bumubuo; samantala ang natitira pang mga pulo (Bonaire, Sint Eustatius, at Saba) ay bahagi ng bansa ng Netherlands na tinutukoy na Caribbean Netherlands.
Bansa | Populasyon (1 Jan 2012) [note 1] |
Bahagdan sa populasyon ng Kaharian |
Lawak (km²) |
Bahagdan sa lawak ng Kaharian |
Pagsisiksikan (tao/km²) |
Source | |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Subdibisyon | |||||||
Netherlands[note 2] | 16,748,205 | 98.32% | 41,854 | 98.42% | 396 | ||
European mainland | 16,725,902 | 98.19% | 41,526 | 97.65% | 399 | [2] | |
Bonaire †‡ | 16,541 | 0.10% | 294 | 0.69% | 46 | [3] | |
Sint Eustatius †‡ | 3,791 | 0.02% | 21 | 0.05% | 137 | [3] | |
Saba †‡ | 1,971 | 0.01% | 13 | 0.03% | 134 | [3] | |
Aruba † | 103,504 | 0.61% | 193 | 0.45% | 555 | [4] | |
Curaçao † | 145,406 | 0.85% | 444 | 1.04% | 320 | [5] | |
Sint Maarten † | 37,429 | 0.22% | 34 | 0.08% | 1,101 | [6] | |
Kaharian ng Netherlands | 17,034,544 | 100.00% | 42,525 | 100.00% | 397 | ||
† Bumubuo sa Dutch Caribbean. ‡ Bumubuo sa Caribbean Netherlands. | |||||||
Panahon | Mga Bansa | Pagbabago |
---|---|---|
1954 – 1975 |
|
Nilagdaan ang Saligang-Batas ng Kaharian ng Netherlands |
1975 – 1986 | Nakamit ng Suriname ang kalayaan at naging Republika ng Suriname | |
1986 – 2010 | Humiwalay ang Aruba sa Netherlands Antilles upang maging bansang bumubuo | |
2010 – kasalukuyan | Binuwag ang Netherlands Antilles. Ang Caribbean Netherlands ay naging mga espesyal na munisipalidad ng Netherlands, habang ang Curaçao at Sint Maarten become constituent countries. |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.