Si Juan Sebastián Elcano (minsan maling binaybay na del Cano;[1] 1486 o 1487 Agosto 4, 1526) ang namuno sa natitirang barko ni Fernando de Magallanes kaya't nakumpleto niya ang makasaysayan at pinakaunang sirkumnabigasyon ng mundo noong 1522. Isinilang sa Getaria, sa lalawigan ng Guipúzcoa sa Basque, Kaharian ng Castile, na bahagi na ngayon ng Espanya). Isa siyang Baskong (Kastilang) nabigador. Namatay siya habang nasa Karagatang Pasipiko, noong muli siyang maglakbay bilang isa sa mga itinalagang kapitan ng barko ng Ekspedisyong Loaísa (nagsimula 1525). Sa biyaheng ito, kasamang kapitan niya si García Jofre de Loaísa at nagkaroon sila ng pitong barkong pinaglayag para angkinin ang Kapuluang Spice (Kapuluang Maluku, Kapuluang Molukas o Kapuluang Moluccas) para kay Carlos I ng Espanya. Kapwa namatay si Elcano at Loaísa, kasama ang iba pang mga mandaragat dahil sa malnutrisyon habang nasa Karagatang Pasipiko. Narating ng mga nananatiling-buhay ang kanilang layuning pook subalit iilan lamang ang nakabalik sa Espanya - ang ikalawang sirkumnabigasyon sa kasaysayan matapos ang kay Elcano. Kilala rin siya bilang Juan Sebastián de Elcano.[2]

Thumb
Si Juan Sebastián Elcano.
Thumb
Istatwa ni Juan Sebastián Elcano sa Getaria (Espanya).

Mga sanggunian

Mga kawing na panlabas

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.