Ang Central Japan Railway Company[* 1] (東海旅客鉄道株式会社, Tōkai Ryokaku Tetsudō Kabushiki-gaisha) (TYO: 9022) ay ang pangunahing kompanyang daangbakal na nagpapatakbo sa rehiyong Chūbu (Nagoya) ng gitnang Hapon. Kadalasang pinapaikli ang opisyal na pangalan sa Ingles na JR Central at sa Hapones na JR Tōkai (JR東海). Makikita ang pinakapunong gusali nito sa JR Central Towers sa Nakamura-ku, Nagoya, Prepektura ng Aichi.[6]

  1. Maaring isalin sa Tagalog na "Kompanya ng Daangbakal sa Gitnang Hapon"
Agarang impormasyon Uri, Industriya ...
Central Japan Railway Company
東海旅客鉄道株式会社
UriPublic KK (TYO: 9022)
IndustriyaPribadong daangbakal
NinunoPambansang Daangbakal ng Hapon (JNR)
Itinatag1 Abril 1987 (pagsasapribado ng JNR)
Punong-tanggapan
JR Central Towers
1-1-4 Meieki, Nakamura-ku, Nagoya, Aichi 450-6101
,
Hapon
Pinaglilingkuran
Rehiyon ng Tokai
Pangunahing tauhan
Yoshiyuki Kasai, Pinuno
Masayuki Matsumoto, Pangulo
ProduktoTOICA, EX-IC (nakakargahang walang dikitang smart card)
Serbisyopampasaherong daangbakal [1]
serbisyo para sa ahensiyang paglalakbay[1]
wholesale and retail[1]
operasyon sa pagpaparada[1]
totoong estado [1]
pagkain at inumin [1]
casualty insurance [1]
iba pang kaugnay na serbisyo [1]
KitaIncrease ¥1,503,083 milyon (2011)[2]
Kita sa operasyon
Increase ¥349,347 milyon (2011)[2]
Netong kita
Increase ¥133,807 milyon (2011)[2]
Kabuuang pag-aariIncrease ¥5,252,993 milyon (2011)[2]
Kabuuang equityIncrease ¥1,246,154 milyon (2011)[2]
May-ariMizuho Corporate Bank (4.37%)[3]
Japan Trustee Services Bank (4.29%)[3]
The Master Trust Bank of Japan (3.48%)[3]
The Nomura Trust & Banking Co. (3.18%)[3]
The Bank of Tokyo-Mitsubishi UFJ (2.98%)[3]
Nippon Life (2.23%)[3]
Toyota Motors (1.79%)[3]
The JR Central Employees Shareholding Association (1.73%)[3]
Mizuho Bank (1.53%)[3]
(as of 31 Marso 2009)
Dami ng empleyado
16,193 (batay noong 31 Marso 2008)[1]
DibisyonConventional lines operations[4]
Shinkansen operations[4]
Subsidiyariyo39 na pangkat ng mga kompanya,[1]
kasama na ang Nippon Sharyo (simula pa noong oktubre 2008)[5]
Websiteenglish.jr-central.co.jp/index.html
Isara
Karagdagang impormasyon Operasyon, Estadistika ...
     Kompanya ng Daangbakal sa Gitnang Hapon
JR Central N700 Series Shinkansen Nozomi train
Operasyon
Pambansang daangbakalJapan Railways Group
Kompanyang pang-imprastrakturaJapan Railway Construction, Transport and Technology Agency
Estadistika
Mananakay0.528 bilyon kada taon[1]
Pampasaherong km55.811 bilyon kada taon[1]
Haba ng sistema
Total1,970.8 km (1,224.6 mi) [1]
Dalawahang riles1,086.8 km (675.3 mi) (55.1%) [1]
Kinuryentehan1,491.7 km (926.9 mi) (75.7%)[1]
Mataas na mabilis552.6 km (343.4 mi) (28.0%)[1]
Gulga
Pangunahin1,067 mm (3 ft 6 in)
Mataas na mabilis1,435 mm (4 ft 8 12 in)
Kinuryentehan
Pangunahin1,500 V DC overhead catenary 1,418.2 km (881.2 mi)[1]
25 kV AC 60 Hz overhead 552.6 km (343.4 mi)[1]
Tokaido Shinkansen
Tampok
Bilang ng istasyon403[1]
Mapa

Service area
Shinkansen station layouts
TOICA Service Area (sa Hapones)

Isara

Makikita sa Estasyon ng Nagoya ang kanilang pinakapunong estasyon. Sa Pangunahing Linya ng Tōkaidō na sa pagitan ng Estasyon ng Atami at Estasyon ng Maibara ang pinakaabalang estasyon na kanilang pinapatakbo. Pinapatakbo rin ng JR Central ang Tōkaidō Shinkansen sa pagitan ng Estasyon ng Tokyo at Estasyon ng Shin-Ōsaka. Karagdagan, responsable rin ito sa Chūō Shinkansenisang mungkahing serbisyong Maglev sa pagitan ng Estasyon ng Tokyo (o Estasyon ng Shinagawa) at Estasyon ng Ōsaka (o Estasyon ng Shin-Ōsaka), na kung saan mayroon nang maliit na linya ang naitayo na. Sa kasalukuyan, nagpapatupad ng ilang paunang gawain ang kompanya sa kanilang mga shinkansen sa mga opisyales ng daangbakal mula sa iba't-ibang bansa upang maipalaganap ang teknolohiyang tulad nito sa ibang bansa.[7]

Kilala ang JR Central bilang pinakamalaking kumikitang kompanya at may pinakamaraming pasahero sa mga mabilis na tren na umaabot sa 138 milyon na pasahero noong 2009, na kinokonsedera na mas malaki pa sa mga sumasakay ng eroplano sa taong ito.[8] Nakapagtala ang Hapon ng kabuuang 289 milyong pasahero mula sa mabilis na tren noong 2009.[8]

Linya

Shinkansen

  • Tōkaidō Shinkansen: Estasyon ng TokyoEstasyon ng Shin-Ōsaka, 552.6 km

Conventional lines

  • Pangunahing Linya ng Tōkaidō: Estasyon ng AtamiEstasyon ng Maibara, 341.3 km
  • Linya ng Gotemba: Estasyon ng KōzuEstasyon ng Numazu, 60.2 km
  • Linya ng Minobu: Estasyon ng FujiEstasyon ng Kōfu, 88.4 km
  • Linya ng Iida: Estasyon ng ToyohashiEstasyon ng Tatsuno, 195.7 km
  • Linya ng Taketoyo: Estasyon ng ŌbuEstasyon ng Taketoyo, 19.3 km
  • Pangunahing Linya ng Takayama: Estasyon ng GifuEstasyon ng Inotani, 189.2 km
  • Pangunahing Linya ng Chūō: Estasyon ng ShiojiriEstasyon ng Nagoya, 174.8 km
  • Linya ng Taita: Estasyon ng TajimiEstasyon ng Mino-Ōta, 17.8 km
  • Linya ng Jōhoku: Estasyon ng KachigawaEstasyon ng Biwajima, 11.2 km (pinapaandar ito ng Serbisyong Pangtransportasyon ng Tōkai at hindi ng JR Central)
  • Pangunahing Linya ng Kansai: Estasyon ng NagoyaEstasyon ng Kameyama, 59.9 km
  • Pangunahing Linya ng Kisei: Estasyon ng KameyamaEstasyon ng Shingū, 180.2 km
  • Linya ng Meishō: Estasyon ng MatsusakaEstasyon ng Ise-Okitsu, 43.5 km
  • Linya ng Sangū: Estasyon ng TakiEstasyon ng Toba, 29.1 km

Karagdagan

Kasama rin sa Pangkat ng JR Central ang JR Central at ang mga sumusunod na karagdagan:

Transportasyon

Merkandiso

Konstruksiyon

Serbisyong pangimpormasyon

Hotel at Resort

Paglalakbay

Paglilimbag

Pinapatakbong Nilalaman

Pagpapanatili

Paglulupa

Iba pang serbisyo

Thumb
Makikita sa JR Central Towers sa Nakamura-ku, Nagoya ang pinakamalaking estasyon ng tren sa buong mundo batay sa lawak ng sahig

Talababa

Mga kawing panlabas

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.