Iwanuma

From Wikipedia, the free encyclopedia

Iwanumamap

Ang Iwanuma (岩沼市, Iwanuma-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Miyagi, Hapon. Magmula noong 31 Marso 2020 (2020 -03-31) , may tinatayang populasyon ito na 43,946 katao sa 18,062 mga kabahayan[1], at daming 730 tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 60.45 square kilometre (23.34 mi kuw). Ang Iwanuma ay nasa sangandaan ng dalawang sinaunang mga daan, ang Tōkaidō at ang Rikuzen-Hama Kaidō.

Agarang impormasyon Iwanuma 岩沼市, Bansa ...
Iwanuma

岩沼市
Lungsod
Thumb
Thumb
Thumb
Thumb
Thumb
Thumb
Paikot sa kanan mula sa itaas: Pook urbano ng Iwanuma; Dambana ng Kanehebisui; Estasyon ng Iwanuma; Gusaling Panlungsod ng Iwanuma; Pista ng Dontosai; Dambana ng Takekoma Inari
Thumb
Watawat
Thumb
Sagisag
Thumb
Kinaroroonan ng Iwanuma sa Prepektura ng Miyagi
Thumb
Iwanuma
Iwanuma
 
Mga koordinado: 38°06′15.4″N 140°52′12.6″E
Bansa Hapon
RehiyonTōhoku
PrepekturaMiyagi
Pamahalaan
  AlkaldeTsuneaki Iguchi
Lawak
  Kabuuan60.45 km2 (23.34 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Mayo 31, 2020)
  Kabuuan43,946
  Kapal730/km2 (1,900/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoJapanese Black Pine
- BulaklakAzalea
- IbonBako
Bilang pantawag0223-22-1111
Adres1-6-20 Sakura, Iwanuma-shi, Miyagi-ken 989-2480
WebsaytOpisyal na websayt
Isara

Kasaysayan

Bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mutsu ang lugar ng kasalukuyang Iwanuma, at ipinalalagay na itinatag ang Dambana ng Takekoma Inari noong 842 P.K.. Lumitaw ang pagbanggit sa "Kastilyo ng Iwanuma" sa unang mga papeles noong panahong Muromachi. Napunta sa kapangyarihan ng angkang Date ng Dominyong Sendai ang lugar noong panahong Edo, sa ilalim ng kasugunang Tokugawa. Itinatag ang bayan ng Iwanuma noong Hunyo 1, 1889 kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad.

Sinanib sa Iwanuma ang nayon ng Okuma noong Enero 11, 1947, at kasunod nito ang Sengan at Tamaura noong Abril 1, 1955. Itinaas sa katayuang panlungsod ang Iwanuma noong Nobyembre 1, 1971.

Lubhang napinsala ang lungsod ng tsunami buhat sa lindol noong 2011,[2] na ikinasawi ng 180 katao.

Heograpiya

Ang Iwanuma ay nasa gitnang-silangang bahagi ng Prepektura ng Miyagi, at hinahangganan ng Karagatang Pasipiko sa silangan. Ito ay nasa wawa ng Ilog Abukuma.

Kalapit na mga munisipalidad

Prepektura ng Miyagi

Demograpiya

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] lumalaki ang populasyon ng Iwanuma sa nakalipas na 40 mga taon.

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...
Historical population
TaonPop.±%
1920 15,428    
1930 17,524+13.6%
1940 18,490+5.5%
1950 25,303+36.8%
1960 26,452+4.5%
1970 29,822+12.7%
1980 34,910+17.1%
1990 38,091+9.1%
2000 41,407+8.7%
2010 44,187+6.7%
Isara

Sister city relations

  • Estados UnidosNapa, California, Estados Unidos – mula noong Pebrero 15, 1973 .[4]
  • Estados UnidosDover, Delaware, Estados Unidos – magkakasundong lungsod mula noong 2003
  • HaponNankoku, Kōchi, Hapon – mula noong Hulyo 23, 1973
  • HaponObanazawa, Yamagata, Hapon – mula noong November 7, 1999

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.