Iwa Moto

From Wikipedia, the free encyclopedia

Iwa Moto
Remove ads

Si Aileen Quimapo Iwamoto (ipinanganak noong 29 Agosto 1988) o mas kilala sa tawag na Iwa Moto ay isang Pilipinong artista. Kabilang siya sa Final Four ng ikatlong season ng palabas na StarStruck sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, lumalabas siya sa mga palabas ng GMA Network. Naninirahan siya sa Las Piñas, Kalakhang Maynila.

Agarang impormasyon Kapanganakan, Ibang pangalan ...
Remove ads
Remove ads

Buhay Bago StarStruck

Lumaki siya sa Las Pinas ngunit lumipat ang pamilya niya sa Lungsod ng Davao. Dahil sa pag-aaral, bumalik siya ng mag-isa sa Las Pinas, at doon siya pinilit ng isang kaibigan na sumali sa StarStruck.

Mga Pelikula

TaonTituloPagganap
2006Pitong DalagitaTisha
2006White Lady Mimi

Mga Palabas sa telebisyon

TaonTituloPagganap
2010Diz Iz ItGuest Judge
2009DarnaValentinaGMA Network
Adik Sa'YoAndrea
Dear Friend: MadrastaGellie
2008Luna MystikaDonita Sagrado
Sine Novela: Magdusa KaMillet Calpito
Joaquin BordadoDianne
2007Zaido: Pulis PangkalawakanAmasonang Itim / Soñia Tamano
Sine Novela: Kung Mahawi Man Ang UlapRita Acuesta
Super TwinsMonica/Moshi Moshi Manika
SOP Rulesperformer
Magic Kamison: The True LindsayLindsay/Laura
2006Bitoy's Funniest Videosco-host
BakekangJenny
Love to Love: Jass Got LuckyMax
Nuts Entertainmentco-host
Magpakailanman: The Iwa Moto Life StoryHerself
Love to Love: Young At HeartDenisse
SOP Gigstershost/performer
POSHHerselfQ
2005StarStruck: The Nationwide InvasionFirst PrincessGMA Network

Mga Parangal

TaoTituloParangal/Nominasyon
2006HI Magazine's one of the most beautiful faces in Philippine ShowbizRank 20
2006FHM Philippines Top 100 Sexiest Women in the WorldRank 16

Mga Isyu

Sa Pag-ibig

Nagkarelasyon daw siya sa mga taga-StarStruck na sina Marky Cielo, Gian Carlos, Chuck Allie at Benj Pacia ngunit itinanggi niya ang ito.

Insidenteng Pag-alis sa StarStruck

Sa pag-iikot ng mga StarStruck survivor sa Cebu, ipinakitang may sama ng loob si Iwa sa mga kapwa niyang survivor na sina Gian Carlos, Jackie Rice and Jana Roxas. Ayon sa kanya, linalait daw siya ng mga ito kaya napagpasiyahan niyang lumisan na sa StarStruck. Ngunit sa sunod na gabi ng eliminasyon, binawi niya ang kanyang sinabi. Humingi rin siya ng patawad sa tatlo matapos niyang malamang nagbibiro lang pala sila.

Suspensiyon sa taong 2006

Sinuspindi siya, kasama ni Jackie Rice, ng anim na linggo dulot ng mga bisyo nila sa pag-inom at paninigarilyo. Matapos nito, Sinabi nilang magbabago na daw sila.

Remove ads

Tribya

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads