Ang balintataw (Ingles: pupil), na tinatawag ding alik-mata [bagaman ang iris ay tinatawag ding "alik-mata"], inla, ninya, tao-tao, o pupilahe, ay isang butas na nasa gitna ng iris ng mata na nagpapahintulot ng pagpasok ng liwanag sa retina.[1] Kulay itim ito sapagkat karamihan sa liwanag na pumapasok sa balintataw ay hinihigop ng mga tisyung nasa loob ng mata. Sa mga tao, ang balintataw ay bilog, subalit ang ibang mga espesye, katulad ng sa ilang mga pusa, ay may balintataw na hugis siwang.[2] Sa mga katagang pang-optiko, ang balintataw na pang-anatomiya ay ang apertura o butas ng mata at ang iris ay ang panghinto ng apertura (literal na panghinto ng butas). Ang imahe ng balintatawa na nakikita sa labas ng mata ay ang pasukang balintataw, na hindi talagang tumutugma sa lokasyon at sukat ng pisikal na balintataw dahil ito ay pinalalaki ng kornea. Sa panloob ng gilid nito ay nakahimlay ang isang lantad na kayarian, ang kolarete (collarette sa Ingles), na tanda ng dugtungan o pag-aanib ng embriyonikong membranong pambalintataw na tumatakip sa embriyonikong balintataw.opo

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.