From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Madre Teresa, o Teresa ng Kolkata (26 Agosto 1910 – 5 Setyembre 1997) (Ingles: Mother Teresa of Calcutta) ay isang madreng Katolikong nakilala bilang isang "buhay na santo" noong nabubuhay pa.[3]
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Inang Teresa | |
---|---|
Kapanganakan | 26 Agosto 1910[1]
|
Kamatayan | 5 Setyembre 1997
|
Mamamayan | Albanya India (26 Enero 1950–) Imperyong Otomano |
Asawa | none |
Pirma | |
Ipinanganak siya bilang Agnesë Gonxhe Bojaxhiu (binabaybay ding Agnes Gonxha Bojaxhiu) sa Skopje, Albanya (kasalukuyang nasa Masedonya ang Skopje). Nag-aral siya sa Irlanda. Nagturo siya sa Kolkata, Indiya. Isang gabi, habang nakasakay sa isang tren, narinig niya ang isang tinig na nagsasabing iwanan niya ang kanyang kinaroroonang kumbento upang tulungan ang mga maralita. Habang nasa Kolkata, nakasuot siya ng sari at nakatapak sa pinakamahihirap na pook .
Noong 1948, pinahintulutan siya ng Simbahang Katoliko na magtatag ng isang bagong samahan ng mga madre, ang Mga Misyonera ng Kawanggawa (Missionaries of Charity). Sa loob ng 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula sa mga basurahan, nag-alaga ng mga ketongin, at nag-alaga ng mga may karamdaman at mga malapit nang mamatay. Pagsapit ng 1979, nagkaroon ang kanyang samahan ng 200 mga sangay sa buong mundo. Biniyayaan siya ng Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.