From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Theotokos ( /ˌθiəˈtɒkəs/; Griyego: Θεοτόκος, transliterasyon: Theotókos) ay ang Griyegong titulo ni Maria, ina ni Hesus na ginagamit lalo na sa Simbahang Ortodokso ng Silangan, Ortodoksiyang Oriental, at mga Silanganing Simbahang Katolika. Ang literal na salin nito ay "Panganganak sa Diyos", "Nagbigay-buhay sa Diyos" at "siyang nagsilang sa Diyos". Maluwag na literal na salin nito ang "Ina ng Diyos."
Ang sinaunang gamit ng salitang ito ay binagyang-diin sa mga Simbahang ng Tradisyong Syriac, na siglo-siglo nang ginagamit ang titulong ito sa kanilang mga sinaunang liturhiya: ang Anaphora ni Mari at Addai (ika-3 siglo),[1][2] at Liturhiya ni Santiago (60 AD).[3][4]
Higit na ginagamit ng mga Katoliko Romano at mga Anglicano ang titulong "Ina ng Diyos" kaysa "Theotokos." Itinadhana sa Konsilyo ng Efeso noong 431 na si Maria ay Theotokos dahil ang kaniyang anak na si Hesus ay parehong Diyos at tao.[5][6]
Ang Theotokos ay dalawang salitang Griyego na pinagsama, Θεός na ibig sabihin ay Diyos at τόκος na ibig sabihin ay pagsilang. Literal itong nasasalin sa Pagsilang sa Diyos. Higit na akmang isinalin naman ito ng historyador na si Jaroslav Pelikan sa "ang siyang nagsilang sa Diyos".[7] Karaniwang hinahayaang di-isinasalin ang Theotokos o pinapakahulugan na lang bilang Ina ng Diyos.
Ang Ina ng Diyos ay literal na salin mula sa isang tanging titulo sa Griyego na: Μήτηρ του Θεού (translit. Mētēr tou Theou), tumpak na salin din ito ng mga salitang Griyego na: Θεομήτωρ (translit. Theomētor; binabaybay rin na Θεομήτηρ, translit. Theomētēr) at Μητρόθεος (translit. Mētrotheos), na matatagpuan sa mga tekstong patristiko at liturhikal, e.g.
... [80] περιφανῶς ἡ ἱερὰ θεομήτωρ ἐξετέλει ... [109] ἐκφαντικώτατά σε τὴν θεοτόκον προσημαίνουσαν ...[8]
Sa Simbahang Katolika Romana, ang kapistahan ng Kadakilaan ni Maria, Ina ng Diyos (Theotokos) ay ipinagdiriwang tuwing 1 Enero, sa parehong araw ng oktaba ng Pasko. Sa mga bersiyon ng Kalendaryong Romano bago ang 1970, ipinagdiriwang ang pagka-ina ni Maria tuwing 11 Oktubre. Ito'y patuloy pa ring ginugunita ng ilang tradisyonal na Katoliko.
Ang kadalikalaang ito ay nagmula noong 500 AD at unang ipinagdiwang sa mga Silanganing Simbahan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.