Si Hera ay ang kapatid na babae at asawa ni Zeus, ayon sa mitolohiyang Griyego. Siya ang Reyna ng mga diyos, at tinaguriang diyosa ng kagandahan ng kasal o pakikipag-isang-dibdib.[1][2] Madalas na ikagalit at ipagselos ni Hera ang palagiang pagkakaroon ng pakikipag-ugnayan ni Zeus sa ibang kababaihang mga diyosa at tao, na nagkakaroon ng mga supling dahil kay Zeus.[1][2] Inalalayan niya ang mga Griyego sa kanilang pakikipagdigma laban sa mga Troyano. Tinatangkilik niya ang mga lungsod ng Misenea, Isparta, at Argos. Tinatawag siyang Juno o Huno sa mitolohiyang Romano.[1] Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Uni.
Nangangahulugang ang katawagang Hera para sa kaniya ng "luningning ng kalangitan" o "dilag"[3][2]
Bukod sa mga lungsod, may paborito rin siyang mga hayop: ang paboreal at ang baka.[2]
Bilang Reyna ng mga diyos, katangian niya ang kagandahan at pagiging mapagmalaki. Nagsusuot siya ng ginintuang mga sandalyas, at may ginintuang trono.[2]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.