Hypothalamus
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang hypothalamus (mula sa Griyego ὑπό, "ilalim" at θάλαμος, thalamus) ay isang bahagi ng utak na naglalaman ng mga maliit na nuclei na may iba't ibang mga gawain. Isa sa pinakamahalagang gawain ng hypothalamus ay upang ikonekta ang sistemang nerbiyos sa sistemang endokrina sa pamamagitan ng glandulang pitwitaryo (hypophysis).
Utak: Hypothalamus | ||
---|---|---|
Lokasyon ng hypothalamus ng tao | ||
Lokasyon ng hypothalamus, kapag titignan ang pituitaryo at ang buong utak | ||
Latin | hypothalamus | |
Gray's | subject #189 812 | |
NeuroNames | hier-358 | |
MeSH | Hypothalamus | |
NeuroLex ID | birnlex_734 |
Ang hypothalamus ay matatagpuan sa ibaba ng thalamus na nasa itaas ng brainstem at bahagi ng sistemang limbiko.[1] Sa terminolohiya ng neuroanatomiya, binubuo nito ang unahang bahagi ng diencephalon. Ang lahat ng utak ng bertebrado ay naglalaman ng isang hypothalamus. Sa tao, ito ay ang laki ng isang pili.
Responsable ang hypothalamus sa ilang mga prosesong metabolismo at iba pang mga gawain ng awtonomikong sistemang nerbiyos. Naggagawa at naglalabas ito ng ilang tiyak na neurohormone, na tinatawag na releasing hormone o hypothalamic hormone, at ang mga ito ay nagbubuhay o nagpipigil sa pagpapakawala ng pitiutaryong hormone. Ang hypothalamus ang nagkokontrol ng temperatura ng katawan, gutom, mahalagang aspeto ng pagiging magulang at mga pagkasamâ ng pag-uugali, uhaw,[2] pagkapagod, pagtulog, at ritmong sirkadiyan.
Isang estruktura ng utak ang hypothalamus na binubuo ng mga natatanging nuclei pati na rin ang ilang mabababang lugar sa anatomiya. Natatagpuan ito sa lahat ng sistemang nerbiyos ng bertebrado. Sa mga mamalya, naglalabas ang magnocellular neurosecretory cell sa paraventricular nucleus at ang supraoptic nucleus ng hypothalamus ng neurohypophysial hormone, oxytocin at vasopressin. Inilalabas ang mga hormones sa dugo sa posterior pituitary.[3] Naglalabas naman ang ilang maliliit na parvocellular neurosecretory cell, mga neurons ng paraventricular nucleus, ng corticotropin-releasing hormone at iba pang mga hormones sa portadang sistema ng hypophyseal, na kung saan ang mga hormones ay humahalo sa anterior pituitary.
Kasama sa nuclei ng hypothalamic nuclei ang mga sumusunod:[4][5][6]
Rehiyon | Lugar | Nucleus | Gawain[7] |
Anterior | Preoptic | Preoptic nucleus | |
Medial | Medial preoptic nucleus |
| |
Supraoptic nucleus |
| ||
Paraventricular nucleus |
| ||
Anterior hypothalamic nucleus |
| ||
Suprachiasmatic nucleus |
| ||
Lateral | |||
Lateral nucleus | Tignan ang Function – pangunahing pinagkukuhanan ng orexin neurons sa buong utak at spinal cord | ||
Tuberal | Medial | Dorsomedial hypothalamic nucleus |
|
Ventromedial nucleus |
| ||
Arcuate nucleus | |||
Lateral | Lateral nucleus | Tignan ang Function – pangunahing pinagkukuhanan ng orexin neurons sa buong utak at spinal cord | |
Lateral tuberal nuclei | |||
Posterior | Medial | Mammillary nuclei (part of mammillary bodies) | |
Posterior nucleus |
| ||
Lateral | Lateral nucleus | Tignan ang Function – pangunahing pinagkukuhanan ng orexin neurons sa buong utak at spinal cord | |
Tuberomammillary nucleus[8] |
|
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.