From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Rebolusyong Industriyal, na hinahati minsan sa Unang Rebolusyong Industriyal at Ikalawang Rebolusyong Industriyal, ay isang panahon ng pandaigdigang paglipat ng ekonomiya ng tao patungo sa mas laganap, episyente at matatag na mga prosesong pagmamanupaktura na sumunod sa Rebolusyong Agrikultural. Kumalat ang Rebolusyong Industriyal sa kontinental na Europa at ang Estados Unidos mula mga 1760 hanggang sa mga 1820–1840.[2]
Ang Rebolusyong Industriyal ay isang panahon noong huling bahagi ng ika-18 siglo at unang bahagi ng ika-19 na siglo nang nagkaroon ng marubdob na epekto sa sosyo-ekonomika at pang-kulturang katayuan sa Britanya ang malaking pagbabago sa agrikultura, paggawa ng produkto, pagmimina, at transportasyon. Lumaganap sa kalaunan ang mga pagbabagong ito sa Europa, Hilagang Amerika at sa buong mundo. Nagtatak ng isang malaking pag-inog sa lipunan ng tao ang pagdating ng Rebolusyong Industriyal; halos naimpluwensiyahan ang lahat ng aspeto ng buhay sa ilang paraan, mula sa manwal na paggawa at ekonomiyang nakabatay sa paghila ng mga hayop patungo sa paggawa ng produkto sa makina. Nagsimula ito sa mekanisasyon ng industriya ng Tela, ang pagsulong ng mga kaparaanan sa paggawa ng bakal at ang pagdagdag ng gamit ng pinong uling. Pinahintulutan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga kanal ang paglawak ng kalakalan. Nasuporthan ang dramatikong pagtaas ng kakayahan ng produksiyon ng pagpapakilala ng makinang pinasisingawan na pangunahing ginagatungan ng uling, malawak na paggamit ng lagumba (water wheel) at makinarya binigyan ng lakas (pangunahin sa paggawa ng tela).[3] Ang pagsulong ng makinang kagamitan na lahat-metal noong unang dalawang dekada ng ika-19 na siglo ang nagpadali sa paggawa ng mas marami pang makinang pang-produksiyon para sa paggawa ng produkto sa ibang industriya. Lumaganap ito sa Kanlurang Europa at Hilagang Amerika noong ika-19 na siglo, at naapektuhan sa kalaunan ang karamihan ng mundo. Napakalaki ang epekto nito sa pagababago ng lipunan.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.