Ang hiroglipo o hiroglipiko (Ingles: hieroglyph, hieroglyphics) ay mga larawang titik na may kahulugan.[1] ay isang mga uri ng pagsusulat na gumagamit ng mga sagisag (mga simbolo) o mga larawan upang kumatawan o gumanap bilang mga tunog at mga salita.[2] Ang mga kulturang Ehipsiyo, Luwiano at Maya ang kabilang sa mga gumamit ng mga hiroglipo. Natagpuan din ang mga ito sa Turkiya, Creta, Mga Nagkakaisang Estado at Canada. Iniisip na ang mga ito ay nagsimula nang ang mga larawan ay ginamit upang magsalaysay ng mga kuwento sa ibabaw ng mga palayok at iba pang mga akdang-sining. Sa paglipas ng mga panahon ay naging mga titik ang mga ito. Ang salitang hiroglipo ay nagbuhat sa mga salitang Griyegong ἱερός (hierós 'banal') at γλύφειν (glúphein, 'lumilok', 'umukit', o 'sumulat', 'magsulat'), at unang ginamit upang mangahulugan bilang "hiroglipong Ehipsiyo". Ang mga Griyegong nagpunta sa Ehipto ang nakakita sa mga "titik na larawan" na madalas na natatagpuang nakaukit sa mga dingding ng bahay, libingan, at mga bantayog o mga moog.
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.