bansa sa timog-silangang Europa From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Gresya (Griyego: Ελλάδα, tr. Elláda), opisyal na Republikang Heleniko, ay nagbabahagi ng mga hangganan ng lupa sa Albanya sa hilagang-kanluran, Hilagang Masedonya at Bulgarya sa hilaga, at Turkiya sa silangan. Ang Dagat Eheo ay nasa silangan ng kontinente, ang Dagat Honiko sa kanluran, at ang Dagat ng Kreta at ang Dagat Mediteraneo sa timog.
Republikang Heleniko
| |
---|---|
Salawikain: Ελευθερία ή Θάνατος Elefthería í Thánatos "Kalayaan o Kamatayan" | |
Awitin: Ύμνος εις την Ελευθερίαν Ímnos is tin Eleftherían "Himno sa Kalayaan" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Atenas 37°58′N 23°43′E |
Wikang opisyal at pambansa | Griyego |
Katawagan | Griyego • Heleno |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlamentaryo |
• Pangulo | Katerina Sakellaropoulou |
• Punong Ministro | Kyriakos Mitsotakis |
Lehislatura | Parlamento ng mga Heleno |
Kalayaan mula sa Imperyong Otomano | |
• Inihayag | 15 Enero 1822 |
• Recognised | 3 Pebrero 1830 |
• Ikatlong Republika | 24 Hulyo 1974 |
• Saligang Batas | 11 Hunyo 1975 |
Lawak | |
• Kabuuan | 131,957 km2 (50,949 mi kuw) (ika-95) |
• Katubigan (%) | 1.51 (2015) |
Populasyon | |
• Senso ng 2021 | 10,482,487 (ika-89) |
• Densidad | 79.1/km2 (204.9/mi kuw) (ika-133) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $416.969 bilyon (ika-54) |
• Bawat kapita | $39,864 (ika-52) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $242.385 bilyon (ika-53) |
• Bawat kapita | $23,173 (ika-44) |
Gini (2022) | 31.4 katamtaman |
TKP (2021) | 0.887 napakataas · ika-33 |
Salapi | Euro (€) (EUR) |
Sona ng oras | UTC+02:00 (EET) |
UTC+03:00 (EEST) | |
Kodigong pantelepono | +30 |
Internet TLD |
|
Ang Gresya ay matatagpuan sa pagitan ng Europa, Asia, at Aprika. Dito naganap ang Klasikong Kabihasnan; naging pangunahing bahagi ng Silangang Imperyo Romano, at apat na siglo ng paghahari ng Imperyong Otomano. Tinaguriang "Duyan ng Sibilisasyong Kanluranin" at pinagmulan ng demokrasyang pamahalaan, pilosopiyang kanluranin, ang mga palarong Olimpiko, panitikang kanluranin, agham pampolitika, mga pangunahing prinsipyo ng karunungan, at teatro, ang kasaysayan ng Gresya ay mahaba at makulay, at ang kulturang naiwan nito ay naipamana rin mga lupain ng Hilagang Aprika, sa Gitnang Silangan, at naging basehan ng kultura ng Europa at ng tinatawag na Kanluran.
Sa ngayon, ang Gresya ay isang makabagong bansa, miyembro ng Unyong Europeo mula noong 1981. Ang kabisera ay Atenas, at ang ibang mga pangunahing lungsod ay Tesalonika, Patras, Heraklion, Bolos, at Larisa.
Ang bahaging ito ay dapat pang palawakin. (Nobyembre 2009) |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.