From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang sistemang koordinadong pangheograpiya (Ingles: geographic coordinate system o GCS) ay isang sistemang koordinado na heodesiko o pabilog para sa pagsukat at pakikipagtalastas ng mga posisyong direkta sa Daigdig bilang latitud at longhitud.[2][3] Ito ang pinakasimple, pinakamatanda, at pinakamalawak na ginagamit sa iba't ibang mga sistemang reperensyang pang-espasyo, at binbuo ang batayan para sa iba pa. Bagaman binubuo ng latitud at longhitud ang isang koordinadong tupla, tulad ng isang sistemang koordinadong kartesiyano, ang sistemang koordinadong pangheograpiya ay hindi kartesiyano dahil mga anggulo ang mga sukat at hindi nasa ibabaw na patag.[4]
Kinabibilangan din ng isnag buong espesikipikasyong GCS, tulad ng yaong mga nakatala sa mga pamantayang EPSG at ISO 19111, ng isang piniling datum heodesiko (kabilang ang elipsoydeng Daigdig), bilang ibang mga datum na magbibigay ng ibang halaga ng latitud at longhitud sa kaparehong lokasyon.[5]
Ang latitud (Ingles:Latitude) ay ang isang koordinado na tinutukoy ang posisyong hilaga-timog ng isang punto sa ibabaw ng Daigdig o iba pang bahaging selestiyal. Binibigay ang latitud bilang isang anggulong mula −90° sa timog polo hanggang 90° sa hilagang polo, na may 0° sa Ekwador. Tumatakbo ang mga linya ng mga di-nagbabagong latitud, o mga paralelo, ng silangan-kanluran bilang mga bilog na kahilera ng ekwador. Kadalasang sinisimbolo ang anggulong latitud ng maliit na titik na Griyego na phi (ϕ o φ).
Samantala, ang longhitud (Ingles: longitude),[6] na kadalasang inihahayag bilang digri dahil isa itong sukat pang-anggulo at sinisimbolo ng Griyegong titik na lambda (λ), ay ang heograpikong koordinado na ang karaniwang ginagamit sa kartograpiya at ang pandaigdigang paglalayag para sa pagtukoy ng silangan-kanlurang posisyon ng Daigdig, o iba pang bahaging selestyal. Ang mga meridiyano ay mga linyang imahinaryong semisirkular na tumatakbo mula polo hangang polo na kinakabit ang mga punto sa parehong longhitud. Nabibigayan kahulugan ang punong meridiyano bilang 0° longhitud; sa kumbensyon, dumadaan ang Internasyunal na Meridiyanong Reperensya (International Reference Meridian) para sa Daigdig sa Obserbatoryong Real sa Greenwich, timog-silangang Londres sa pulo ng Gran Britanya. Nasa silangan ng punong meridiyano ang positibong longhitud, at negatibo naman ang nasa kanluran.
Magkasamang ginagamit ang latitud at longhitud bilang koordinadong pares upang tukuyin ang isang lokasyon sa ibabaw ng Daigdig na hindi kinukunsidera ang altitud o lalim.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.