Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang sanghalamanan (Ingles: flora) ay ang nabubuhay na mga halaman sa isang partikular na rehiyon o panahon, na pangkalahatang ang likas na lumilitaw o taal at katutubong nabubuhay na halaman.
Ang katagang flora ay nagmula sa salitang Latin na Flora, ang diyosa ng mga halaman, mga bulaklak, at pagkamayabong (pertilidad) sa mitolohiyang Romano. Ang katugmang kataga nito sa mga hayop ay ang sanghayupan o sangkahayupan (ang fauna). Ang sanghalamanan, sanghayupan at iba pang mga anyo ng buhay na katulad ng mga halamang-singaw ay magkakatipong tinatawag bilang biota.
Ang mga halaman ay nakapangkat sa mga sanghalaman batay sa rehiyon, kapanahunan, natatanging kapaligiran, o klima. Ang mga rehiyon ay maaaring maging kakaiba ang heograpiya ng mga habitat, katulad ng bundok laban sa kapatagan. Ang sanghalamanan ay maaaring maging may ibig sabihing halamang nabubuhay sa isang makasaysayang panahon na katulad ng kusilbang sanghalamanan. Bilang panghuli, ang mga sanghalamanan ay maaaring paghati-hatiin sa pamamagitan ng natatanging mga kapaligiran:
Ang mga organismong bakteryal ay paminsan-minsang isinasama sa isang sanghalamanan,[1][2] at kung minsan ang mga katagang sanghalamanang pambakterya (bacterial flora) at "sanghalamanan ng (mga) halaman" (plant flora) ay ginagamit nang magkahiwalay.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.