Ang saloy o daloy ng kuryente (Kastila: corriente eléctrica, Ingles: electric current) ay isang pagdaloy ng karga ng kuryente sa pamamagitan ng konduktor na isang medyum o kasangkapang. Sa ibang pananalita, ito ang pag-agos ng karga ng kuryente.[1] Dinadala ng umaagos na karga ng kuryente sa pamamagitan ng, halimbawa, mga magalaw na elektron sa isang daluyan, mga iono sa isang elektrolito o pareho sa isang plasma.[2]

Agarang impormasyon Mga kadalasang simbulo, Yunit SI ...
Daloy ng kuryente
Thumb
Ang isang simpleng sirkitong elektriko kung saan ang kuryente ay kinakatawan ng letrang i. Ang relasyon sa pagitan ng boltahe (V), resistensiya (R) at kuryente (I) ay V=IR na kilala bilang batas ni Ohm.
Mga kadalasang simbulo
I
Yunit SIampere
Pagkahango mula sa
ibang kantidad
Dimensiyon
Isara

Sa mga sirkitong elektriko, ang kargang ito ay kadalasang dinadala ng mga gumagalaw na dagisik (elektron) sa isang kawad. Ito ay maaari ring dalhin ng mga iono sa isang elektrolita o ng parehong iono at dagisik gaya ng sa isang plasma.[3]

Ang yunit SI sa pagsukat ng rate ng daloy ng kargang elektriko ang ampere o amperyo na isang kargang dumadaloy sa isang surpasiyo sa antas ng isang coulomb kada segundo. Ang kuryenteng elektrikal (daloy ng kuryente) ay sinusukat ng isang ammetro o amperimetro.[1]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.