From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ekonomikang publiko, ekonomikang sektor na publiko, ekonomikang pangmadla, o ekonomikang pambayan (Ingles: public economics o economics of the public sector) ay ang pag-aaral ng patakaran ng pamahalaan sa pamamagitan ng lente ng kagalingan at karampatang (equity o ekwidad) pang-ekonomiya. Sa antas nitong pinakasaligan, ang ekonomikang pambayan ay nagbibigay ng isang balangkas para sa pag-iisip patungkol sa kung ang pamahalaan ay dapat ba o hindi dapat na makilahok sa mga pamilihang pang-ekonomika at sa kung hanggang saan ba ang gampanin nito. Upang magawa ito, ginagamit ang teoriyang mikroekonomiko upang matantiya kung ang pamilihang pribado ay maaari talagang makapagbigay ng mahuhusay na mga resulta kapag wala ang pakikisangkot ng pamahalaan. Likas na ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng pagsusuri ng pagbubuwis at mga gastos ng pamahalaan. Ang paksang ito ay sumasaklaw sa maraming mga paksa na kinabibilangan ng mga pagkabigo ng pamilihan, mga pagkalabas (mga eksternalidad), at ang paglikha at pagpapatupad ng patakaran ng pamahalaan. Ang ekonimiks na pambayan ay nagbubuo magmula sa ekonomikang pangkapakanan at talagang ginagamit bilang isang kasangkapan upang mapainam ang kapakanan ng lipunan.[kailangan ng sanggunian]
Kabilang sa mga paraan at paksang pangmalawakan ang:
Ang pagbibigay ng diin ay nasa mga paraang pampagsusuri at pang-agham at pagsusuring pangpamantayan at pang-etika (normatibo at etikal), na maipagkakaiba magmula sa ideolohiya. Ang mga halimbawa ng paksang nasasakop ay ang pagkakataon ng buwis, pagbubuwis na optimal, at ang teoriya ng kalakal na pangmadla.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.