Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Edom ay isang pangalan o salitang may ibig sabihing "mapula".[1] Ito ang naging katawagan o isa pang pangalan para kay Esau na anak ni Isaac. Kakambal siya ng mas nakababatang kakambal na si Jacob (kilala rin bilang Israel). Batay sa salaysay na nasa Lumang Tipan ng Bibliya (sa Henesis 25:30), tinawag siyang ganito sapagkat ipinagbili muna ni Esau kay Jacob ang karapatan niya bilang panganay (naunang iluwal si Esau) bago bigyan ni Jacob si Esau ng hinihingi nitong "pulang pagkain" na niluto ng kapatid. Noong panahon nina Esau at Jacob, ibinibigay o ipinamamana sa panganay na anak ang malaking bahagi ng mana o pag-aari ng angkan. Sa pagbibili ni Esau ng kanyang pagkapanganay kay Jacob – dahil sa pagkaing kulay pula – hindi binigyan ng kahalagahan ni Esau ang kanyang karapatan bilang panganay na tagapagmana.[1]
Ayon pa din sa Lumang Tipan ng Bibliya, kay Esau, na naging Edom, nagmula ang pangalan ng mga Edomita, isang sinaunang mga taong nanirahan sa isang pook na malapit sa Israel. Sila ang mga inapo ni Esau.[1] Sa loob ng Imperyong Romano, kilala bilang Idumaea ang lugar na kanilang pinananahanan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.