From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang dzielnica (pagbigkas: [d͡ʑelˈɲit͡sa], maramihan: dzielnice) ay isang subdibisyong pampangasiwaan sa Polonya, na tumutukoy sa isang kalapit-bahayan o distrito ng isang lungsod o bayan. Kahawig ng sołectwo at osiedle, isang "katulong na yunit" (jednostka pomocnicza) ng gmina ang dzielnica, na nilikha ng sangguniang pang-gmina, at wala itong hiwalay na legal na personalidad. Maaaring mangiba ang bilang ng mga dzielnica sa iba't-ibang lungsod o bayan.
Karaniwa'y hinahati ang maraming mga bayan at lungsod sa mga osiedle, ngunit maaaring may mga osiedle sa loob ng isang dzielnica. Karaniwan ang ganitong pagkakaayos sa mga pangunahing lungsod ng Polonya: halimbawa, may 18 dzielnica ang Warsaw, na may sariling pang alkalde (burmistrz) at sangguniang pang-dzielnica (rada dzielnicy). Ito rin ang bilang ng mga dzielnica sa Kraków. Gayunpaman, may 30 dzielnica sa Gdańsk, 22 sa Gdynia at Katowice, 27 sa Lublin at apat sa Szczecin. May ilan ding mga lungsod na pormal nang walang dzielnica, pero ginagamit pa rin ang dating paghahating ito para sa gawaing pampangasiwaan: kasama dito ang Łódź, Poznań at Wrocław, na may limang distrito ng ganitong uri bawa't lungsod.
Sa karaniwang pananalita, maaari ring tumukoy ang salitang "dzielnica" sa mga distrito, o anumang bahagi, ng isang lungsod. Maaari rin itong tumukoy sa isang makasaysayang paghahati ng Polonya, kung saan hinati ang bansa sa limang prinsipalidad makatapos namatay si Haring Boleslao III.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.