From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pamilya o Dinastiyang Hohenzollern ( /hoʊənˈzɒlərn/, din sa EU /ʔəntsɔːʔ,_ˌhoʊənˈzɒlərn,_ʔˈzɔːʔ/,[1][2][3][4] Aleman: Haus Hohenzollern, pagbigkas [ˌhaʊ̯s hoːənˈt͡sɔlɐn] ( pakinggan), Rumano: Casa de Hohenzollern) ay isang maharlikang Aleman (at mula 1871 hanggang 1918, imperyal) na dinastiya na ang mga miyembro ay magkakaibang mga prinsipe, tagahalal, hari, at emperador ng Hohenzollern, Brandeburgo, Prusya, Imperyong Aleman, at Rumania. Ang pamilya ay nagmula sa lugar sa paligid ng bayan ng Hechingen sa Suabia noong huling bahagi ng ika-11 siglo at kinuha ang kanilang pangalan mula sa Kastilyo Hohenzollern.[5] Ang mga unang ninuno ng mga Hohenzollern ay binanggit noong 1061.
Ang pamilyang Hohenzollern ay nahati sa dalawang sangay, ang sangay ng Katolikong Suabo at ang sangay ng Protestanteng Franconio,[6] na namuno sa Burgrabyato ng Nuremberg at kalaunan ay naging sangay ng Brandeburgo-Prusya. Pinamunuan ng Suabong sangay ang mga pamunuan ng Hohenzollern-Hechingen at Hohenzollern-Sigmaringen hanggang 1849, at pinamunuan din ang Rumania mula 1866 hanggang 1947. Ang mga miyembro ng sangay ng Franconia ay naging Margrabyato ng Brandeburgo noong 1415 at Dukado ng Prusya noong 1525.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.