From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Detective Conan (名探偵コナン, Meitantei Konan), kilala bilang Case Closed sa Estados Unidos, ay isang seryeng detektib manga at anime sa bansang Hapon na ginawa ni Gosho Aoyama, at inilalathala sa magasin na Weekly Shonen Sunday.
Detective Conan Meitantei Conan | |
名探偵 コナン | |
---|---|
Dyanra | Komedya, drama, detective fiction, misteryo |
Manga | |
Kuwento | Gosho Aoyama |
Naglathala | Shogakukan |
Magasin | 'Shōnen Sunday' |
Demograpiko | Shōnen |
Takbo | 1994 – kasalukuyan |
Bolyum | 106 |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Kenji Kodama, Yasuichiro Yamamoto |
Estudyo | TMS Entertainment,Yomiuri TV |
Inere sa | NNS, Animax |
Teledrama | |
Direktor | Toshizaku Tanaka |
Inere sa | NTV, Yomiuri TV, NNS |
Related | |
Movies (20), OVAs (12), TV Specials (1) |
Isinagawa ng TMS Entertainment ang bersiyong anime nito. Sa kasalukuyan, nagkaroon na ito ng mahigit sa 400 na mga kabanata sa telebisyon at 9 na pelikula sa bansang Hapon. Hindi pa rin tapos ang anime na ito hanggang sa kasalukuyan. Noong Hulyo 2003, ipinahayag ng FUNimation na nilisensiya nila ang Detective Conan para ipalabas sa Estados Unidos bilang Case Closed dahil sa isyung legal na may kaugnayan sa pangalang Conan (Conan the Barbarian). Sa maraming parte ng mundo na pinalabas ito, nanatili ang pangalang Detective Conan (o ang literal na salin nito). Naipalabas na ito sa Espanya, Alemanya, Italya, Pilipinas, United Arab Emirates at iba pang bansa.
Sa simula ng istorya, isang sikat na detektib si Shinichi Kudo, isa rin siyang mag-aaral sa hayskul. Isang araw, pumunta si Shinichi sa isang theme park na may pangalan na Tropical Land. Kasama niya si Ran Mouri, ang kanyang kaibigan mula pa pagkabata. Habang naroon sila,nagkaroon ng pagpatay hanggang sila ay nagsasaya sa roller coaster, dumating ang pulis para lutasin kung sino ang pumatay at tumulong din si shinichi para lutasin ito. Pinag-aralan nya ito at nakilala nya ang tatlong bata na may hawak na perlas at sawakas alam na niya kung sino ang pumatay. Pinaliwanag nya kung paano siya namatay at pinakita rin nya ito kung paano ginawa ang pagpatay, nahuli ang salarin at nalutas ni Shininchi ang pagpatay sa isang pasahero ng roller coaster. Naguusap sila ran at shinichi Habang pauwi na sila galing sa Tropical Land, nakakita ng mga taong nakaitim na may nakakahinalang gawain. Nakita siya ng isa mga taong iyon natuklasan niya ang madilim na gawain na walang nakakaalam kahit mga pulis, nakita siya sa isang kasama ng taong nakaitim at pinatulog siya. Sapilitang pinainom si Shinichi nag misteryong gamot at iyon ay Apoptoxin-4869 (APTX-4869), isang lason na dapat sana'y pumatay sa kanya, ngunit hindi siya namatay. Nang nagkaroon siya ng malay, nakita siya ng ibang mga pulis at nagtaka siya bakit tinawag siyang bata. Tinawag ng pulis ang ibang kasama at paglingon nya ay nawala siya, tumatakbo siya at nagtataka siya bakit kuti lang ang kanyang natatakbo at mabilis din siya mapagod. Nakita niya sa salamin na makita nya ang kanyang sarila, nagulat siya na naging bata na siya.
Pumunta siya sa bahay ni Dr. Hiroshi Agasa na kanyang kapit bahay, malapit na kaibigan at isang sikat na imbentor, pinaliwanag nya ang lahat ng nanyari at sa simula ay hindi siya naniwala at gumawa ng paraan kaagad para masabing siya si shinichi kudo at sawakas naintindihan rin niya ito. Nalaman ito ni Dr. Hiroshi Agasa at pinayuhan si Shinichi na itago ang kanyang pagkatao para hindi malaman ng mga taong nakaitim na buhay pa siya. Biglang dumating si ran at mabilis natago si shinichi, tinanong ni ran kung nasaan si shinichi at nang nagtatanong siya, nakita niya ang bata na si shinichi. mabuti at hindi pa siya nakikilala dahil sa suot na niya ang salamin ng kanyang tatay. Tinanong siya ni Ran kung sino siya, nakakita siya ng mga librong isinulat nina Arthur Conan Doyle at Edogawa Rampo at sinabing siya si Conan Edogawa. Simula noon, naging "Conan Edogawa" ang pangalan niya. Iminungkahi ni Dr. Agasa na tumira si Conan kasama si Ran, at pumayag si Ran.
Isang detektib din ang tatay ni Ran na si Kogoro Mouri pero hindi masyadong magaling. Laging si Conan ang lumulutas ng mga kaso kasama si Kogoro. Dahil bata lang si Conan, hindi siya pinapansin ng mga pulis. Kaya ginagamit niya si Kogoro sa paglulutas ng kaso sa pamamagitan ng pagpapatulog sa kanya gamit ng isang watch-type anaesthesia gun at nagkukunwari na si Kogoro gamit ng isang voice-changing bowtie para gayahin ang boses niya.
Ilan pang mahalagang tauhan na lumabas sa series ay ang mga magulang ni Shinichi na sina Yusaku at Yukiko Kudo, at ang karibal na detektib at kaibigan na si Heiji Hattori, ang kaibigan ni Ran na sina Sonoko at Kazuha at ang detective boys na sina Ayumi, Mitsiko at Genta. Dumating rin ang isa sa mga "black organization" na si Shino Miyano o tawag sa kanya ay Sherry, pinatay ng "black organization" ang pinakamamahal nyang kapatid at siya rin mismo ang gumawa nang lason na parehas na pinainom kay shinichi at iyon ay ang 'APOPTOXIN 4869' o 'APTX-4869', ininom nya ito para lasunin ang kanyang sarili at mamatay pero hindi ito nangyari, naging bata siya at nakatakas at ngayon ay handang tulungan si shinichi para makabalik sa kanyang tunay na katawan at alam siya sa pangalan na Haibara Ai.
Meron naring nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao at iyon ay sina Dr. Agasa, Heiji Hattori, ang kanyang pamilya na sina Yusaku Kudo at Yukiko Kudo, Haibara Ai at sa tunay na pangalan na Shino Miyano, at ang hari ng magnanakaw na si Kaito KId. Minsan ay nalalaman ni ran na si Conan ay talagang si Shinichi pero gumagawa siya ng paraan para magbago ang kanyang isip na hindi talaga siya si Shinichi.
Maraming misteryo ang nalalaman ni Conan na tunay na pangalan ay Shinichi. Wala pa siyang alam tungkol sa mga ibang miyembro ng Black Organization na sina Tequila, Calvados, Pisco, Vermouth, Kir, Chianti, Köln, Gin at isang misteryosong boss. Pero alam niya na mahuhuli rin nya ito at tapusin ang kanilang madilim na gawain at higit sa lahat ay bumalik sa totoong niyang lake at masabi kay Ran na "mahal kita" o ang tunay niyang nararamdaman kay Ran.
GMA 7
10 Setyembre 2001 unang ipinalabas ang Detective Conan sa Pilipinas. Naipalabas ito sa GMA 7 tuwing alas-4 ng hapon. Makalipas ng dalawang buwan ay natanggal ito sa ere. Binalik uli ito ng GMA noong Oktubre, 2002 at tinanggal noong Pebrero, 2003.
Noong 12 Pebrero 2007 ay ibinalik muli ang Detective Conan sa GMA 7. Ngunit sa GMA 7, hindi pinapakita ang ending scene (pinapakita pagkatapos ng credits o yung mga pangngalan ng gumawa). Pansamantalang natanggal ito sa ere at binalik muli sa parehong taon at nagpatuloy hanggang sa Pebrero ng taong 2008.
Nakatakdang ibalik muli ang programa sa 11 Agosto 2008 sa dati nitong oras na alas-10 sa umaga.
Nitong 2012, pinalabas muli ito sa GMA 7 tuwing umaga. Napalawig nito ang bilang ng mga episode kompara sa mga nakaraang pag-eere. Subalit nawala muli ito sa ere matapos ng ilang buwan.
ANIMAX (Philippines)
Noong 16 Enero 2006, eksklusibong ipinalabas ang Detective Conan sa cable network na Animax bilang channel 46 sa Sky Cable. Sa kasalukuyan ay ipinapalabas pa rin ito sa nasabing estasyon. Pinapakita sa Animax ang ending scene (pinapakita pagkatapos ng credits o yung mga pangngalan ng gumawa). Pero nawala rin ito sa himpapawid pagkatapos ng dalawang taon at pinalitan ng mga makabagong anime.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.