Dagat Itim

From Wikipedia, the free encyclopedia

Dagat Itim

Ang Dagat Itim (Ingles: Black Sea) ay isang dagat na napalilibutan o nakapaloob sa lupa na napaliligiran ng Timog-silangang Europa, ang Caucasus ang Tangway ng Anatolia (Turkey) at nakarugtong sa Karagatang Atlantiko sa pamamagitan ng Dagat Mediteranyo,Dagat Egeo at iba't ibang kipot. Ang kipot ng Bosporus ay nadurugtong nito sa Dagat Marmara, at ang kipot ng Dardanelles ang nagdurugtong nito sa rehiyon ng Dagat Aegean ng Mediteranyo. Ang tubig nito ang naghihiwalay sa silangang Europa at kanlurang Asya. Ang Dagat Itim ay nakakonekta sa Dagat Azov sa pamamagitan ng Kipot ng Kerch.

Isang mapa ng Dagat Itim na gawa ng NASA

Ang Dagat Itim ay may area na 436,400 km² (168,495 sq mi),[1] ang pinakamalalim na bahagi nito ay umaabot ng 2,212 m (7,257 ft),[2] at bolyum na 547,000 km³ (133,500 cu mi).[3] Ang Dagat Itim ay gumagawa ng eliptikal na depresyon na makikita sa pagitan ng Bulgaria, Georgia, Romania, Russia, Turkey, at Ukraine.[4] Napapalibutan ito ng Kanbundukan ng Pontic sa timog, ang kabundukan ng Caucasus na sa silangan at mayroong malawak na shelf sa hilagang-kanluran. Ang pinakamahabang lawak nito mula sa silangan hanggang kanluran ay 1,175 km.

Ang mga mahahalagang lungsod sa baybayin ng dagat ay ang mga sumusunod: Constanţa (306,000 na may metropolitan area na 550,000), Istanbul (11,372,613), Odessa (1,001,000), Mangalia (41,153), Burgas (229,250), Varna (357,752 na may metropolitan area ng 716,500), Kherson (358,000), Sevastopol (379,200), Yalta (80,552), Kerch (158,165), Novorossiysk (281,400), Sochi (328,809), Sukhumi (43,700), Năvodari (34,669), Poti (47,149), Batumi (121,806), Trabzon (275,137), Samsun (439,000) Ordu (190,143) at Zonguldak (104,276).

Isa ang Dagat Itim sa apat na mga dagat na pinangalanan mula sa mga kulay— ang iba pa ay ang Dagat Puti, ang Dagat Pula, at ang Dagat Dilaw.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.