From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kosmogoniya, kosmohoniya, o kosmoheniya (mula sa Ingles na cosmogeny at cosmogony[1]) ay ang anumang panukala o teorya hinggil sa pagkakaroon o pinagmulan ng sanlibutan, o tungkol sa kung paano nagsimula ang realidad. Ito ang pag-aaral at pananaliksik hinggil sa pinagmulan at ebolusyon ng sansinukob; ang teorya o modelo ng ebolusyon ng sansinukob.[1] Nagmula ang salita sa Griyegong κοσμογονία (o κοσμογενία), na nagbuhat naman sa κόσμος: "kosmos (cosmos), ang mundo", at ang pinag-ugatan ng γί(γ)νομαι / γέγονα "pagsilang, pagkakalikha". Sa natatanging konteksto o kahulugan sa agham ng kalawakan at astronomiya, tumutukoy ang kosmogoniya sa mga panukala ng paglalang at pag-aaral ng sistema ng araw.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.