Ang Coitus interruptus, na kilala rin bilang ginambalang pagtatalik, inabalang pagtatalik, tinanggihang pagtatalik, ipinagkait na pagtatalik, pagtatalik na may paghugot ng titi, paraang pahugot, paraang binubunot, o paraang pabunot, ay isang paraan ng pagpigil sa pag-aanak kung kailan ang isang lalaki, habang nakikipagtalik ay binubunot o inaalis ang kanyang titi magmula sa puke ng babae bago siya labasan o bago siya makarating sa kasukdulan. Pagkaraan, iniiwas papalayo ng lalaki ang kanyang punlay o tamod palayo mula sa puke ng kanyang katalik bilang pagtatangka na maiwasan ang inseminasyon (pagpupunla, pagbibinhi, o pagpupunlay).

Agarang impormasyon Uri ng pagpigil sa pag-aanak, Unang paggamit ...
Uri ng pagpigil sa pag-aanakPang-ugali
Unang paggamitSinauna
Ganap na paggamit4%
Karaniwang paggamit15-28%
PagkanababaligtadOo
Mga paalala sa tagagamitNakadepende sa pagpipigil ng sarili. Ang pag-ihi sa pagitan ng mga eksena ng pagtatalik ay nakakatulong sa pagtatanggal ng esperma mula sa uretra.
Pagsusuring pangklinikaWala
Proteksiyon mula sa STDHindi
Isara
Thumb

Ang ganitong paraan ng kontrasepsiyon, na malawakang ginagamit ng hindi bababa sa dalawang mga milenyo, ay ginagamit pa rin magpahanggang ngayon. Ang ganitong metodo ay ginamit ng tinatayang tatlumpu't walong milyong mga magkakapareha sa buong mundo noong 1991.[1] Ang paraang hinuhugot ang titi ay hindi nagbibigay ng proteksiyon laban sa mga STD o STI.[2]

Tingnan din

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.