Ang gata (wikang Ingles: coconut milk, coconut sauce[1]) ay ang gatas ng buko. Hindi ito ang katas na tubig ng buko na nakukuha sa loob ng bao ng buko. Nakukuha ang gata sa pamamagitan ng paggadgad ng pinung-pino ng mga laman ng buko, pagkatapos ay pipisain ng mga palad hanggang sa makuha ang katas (ang gata). Makukuha rin ang gata sa pamamagitan ng aparatong panggiling (blender).[2] Malimit na ginagamit ang gata sa pagluluto ng mga pagkaing ginatan o ginataan, maging bilang pamalit sa katas ng mani sa kari-kare.[1]
Rehiyon o bansa | Tradisyonal: Timog-silangang Asya, Oseaniya, Timog Asya, Silangang Aprika Ipinakilala: Karibe, tropikal na Amerikang Latino, Kanlurang Aprika |
---|---|
Pangunahing Sangkap | Buko |
|
Katas
Tinatawag ang unang katas na gata ng niyog na kakanggata.[3] Nagmula ang salitang ito sa pagtatambal ng mga salitang kaka at gata. Ito ang hindi pa nababantuan o nalalagnawang gatang nakukuha sa laman ng niyog.
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.