Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Canberra ay ang kabisera ng bansang Australya. Ang lungsod, na itinayo pagkatapos ng pederasyon ng mga kolonya ng Australya bilang luklok ng pamahalaan para sa bagong nasyon, ay pinakamalaking lungsod sa loob ng Australya at ikawalong pinakamalaking lungsod sa Australya. Ang lungsod ay matatagpuan sa hilagang dulo ng Australian Capital Territory sa hilagang dulo ng Alpes ng Australya, ang pinakamataas na bulubundukin sa buong bansa. Noong Hunyo 2022, ang populasyong tinaya ng Canberra ay 456,692.
Canberra | |||
---|---|---|---|
lungsod, big city, political city, planned national capital, federal capital | |||
| |||
Mga koordinado: 35°17′35″S 149°07′37″E | |||
Bansa | Australya | ||
Lokasyon | Australian Capital Territory, Australya | ||
Itinatag | 12 Marso 1913 | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 471.78 km2 (182.16 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2014) | |||
• Kabuuan | 381,488 | ||
• Kapal | 810/km2 (2,100/milya kuwadrado) | ||
Wika | Ingles | ||
Websayt | https://www.act.gov.au/ |
Tumira ang mga Aboriheng Awstralyano, lalo na Ngunnawal, sa purok na pinili para sa kabisera sa loob ng 21,000 taon. Nagsimula ang paninirahang Europeo sa unang kalahati ng ika 19 na siglo, na ipinapakita ng mga nakaligtas na palatandaan tulad ng St John's Anglican Church at Blundells Cottage. Noong Enero 1, 1901, naitawid ang pederasyon ng mga kolonya ng Australya. Pagkatapos ng isang matagal na pagtatalo tungkol sa kabiserang pambansa (Sydney o Melbourne), naitawid ang isang kasunduan: itinayo ang bagong kabisera sa New South Wales, hindi bababa sa 160 km mula sa Sydney. Kaya itinayo ang kabisera, at noong 1913 pormal na pinangalanan bilang Canberra. Noong 1913 din, ang isang blueprint nina Walter Burley Griffin at Marion Mahony Griffin, dalawang arkitektong Amerikano, ay pinili pagkatapos ng isang paligsahang pandaigdig na pandisenyo, at agad na nagsimula ang konstruksiyon. Hindi pangkaraniwan kabilang sa mga lungsod ng Australia, ito ay isang ganap na binalak na lungsod. Ang plano nina mga Griffin ay nagtampok ng mga heometrikong motif, at isinentro sa mga aksis na inihanay ayon sa mahahalagang topograpikal na palatandaan tulad ng Itim na Bundok, Bundok Ainslie, Burol ng Kabisera, at Burol ng Lungsod. Dahil sa bulubunduking lokasyon ng Canberra, ito lamang ang pangunahing lungsod sa Australya kung saan makikita ang mga bundok na puno ng niyebe sa taglamig, ngunit ang niyebe sa mismong lungsod ay hindi pangkaraniwan.
Bilang luklok ng Pamahalaan ng Australya, ang Canberra ay tahanan ng iba't ibang mahalagang institusyon ng pederal na pamahalaan, pambansang bantayog at museo. Pinatira nito ang lahat ng mga dayuhang embahada sa Australya, pati na rin ang punong tanggapang rehiyonal ng mararaming organisasyong pandaigdig, samahang hindi pangkalakalan, grupo ng lobbying, at propesyonal na asosasyon.
Ang Canberra ay nararanggo sa mga pinakamahusay na lungsod sa mundo para manirahan at bisitahin. Maski ang Commonwealth Government ay pa pinakamalaking solong empleyador sa Canberra, pero hindi mayorya. Ang iba pang mga pangunahing industriya ay umunlad sa lungsod, kabilang ang pangangalaga sa kalusugan, mga serbisyong propesyonal, edukasyon at pagsasanay, tingi, tirahan at pagkain, at konstruksiyon. Kumpara sa mga pamantayang pambansa, ang antas ng kawalang trabaho ay mas mababa at ang karaniwang kita ay mas mataas; Ang mga antas ng edukasyong tersyarya ay mas mataas, habang ang populasyon ay mas bata. Ayon sa Senso ng 2016, ang 32% ng mga naninirahan sa Canberra ay iniulat na ipinanganak sa ibang bansa.
Ang pangalang "Canberra" ay hango sa pangalan ng isang lokal na Ngunnawal na angkan kung sino tumira sa purok at tinukoy ng maaagang Britanikong kolonista bilang tribong Canberry o Nganbra. Si Joshua John Moore, ang unang Europeong may-ari ng lupa sa rehiyon, ay nagpangalan ng niyang pagbibigay ng lupa bilang "Canberry" noong 1823 dahil sa itong mga tao. Lumitaw ang "Canberry Creek" at "Canberry" sa rehiyonal na mapa noong 1830, yamang lumitaw ang pangalang "Canberra" noong 1857.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.