From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang samurai (侍) , mononofu, o bushi, ay ang mga kasapi ng uring militar ng sinaunang Hapon. Samakatuwid, sila ang mga mandirigma noong kanilang kapanahunan. Nagmula ang salitang samurai sa pandiwang Hapones na saburai, na nangangahulugang paglingkuran (ang isang tao). Namuhay ang mga samurai noong kapanahunang Edo. Sila ang mga maharlikang militar ng Hapon bago sumapit ang industriyalisasyon. Ayon sa tagapagsalinwikang si William Scott Wilson: "Sa Intsik, orihinal na nangangahulugang maghintay o samahan ang isang taong nasa mataas na hanay ng lipunan ang karakter na 侍, at totoo rin ito sa orihinal na salitang Hapones, ang saburau. Sa kapwa bansa naging kahulugan ng salita ang "ang mga naglilingkod na malapit sa mga maharlika," na nagbago at naging saburai ang pagbigkas sa Hapones."[1] Ayon kay Wilson, lumitaw ang isang maagang pagtukoy sa salitang samurai sa Kokinshu o Kokin Wakashu[2], ang unang imperyal na kalipunan ng mga tula, nakumpleto noong unang bahagi ng ika-sampung daantaon. Sa pagwawakas ng ika-12 daantaon, halos naging kasingkahulugan ng bushi ang saburai (武士) at naging kalapit na kaugnay ng nasa gitna at matataas na kahanayan ng mga uring mandirigma.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.