From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Budismong Tibetano o Lamaismo ay isang anyo ng Budhismo sa Tibet, na nagtatag ng pamagat o titulong Dalai Lama, isang pangalang bigay sa dating pinuno at punong monghe ng Tibet, noong 1640. Naniniwala ang mga Lamaista na ang Dalai Lama ay reinkarnasyon ng isang Buddha, at sa kamatayan nito ay daraan ang espiritu ng Buddha sa katawan ng isang sanggol na kasisilang pa lamang. Gumagamit ang mga pari ng mga rito ng salamangka upang hanapin ang tama at angkop na sanggol. Pagkaraan, tuturuan ang sanggol, mula pagkabata, ng kanyang magiging dakilang responsibilidad. Noong 1950, sinupil ng mga Komunistang Intsik ang Lamaismo sa Tibet. Dahil sa isang hindi matagumpay na panghihimagsik ng mga Tibetano laban sa mga puwersang Komunista noong 1959, napilitan si Tenzin Gyatso, ang ikalabing-apat na Dalai Lama ng Tibet, pati kanyang mga tagasunod na lisanin ang Tibet patungong Indiya.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.