Ang Melopsittacus undulatus (tinatawag sa Ingles na budgerigar [bigkas: badj-ri-gar] o , na may palayaw na budgie [bigkas: bad-yi]), ay ang kaisa-isang espesye sa genus na Melopsittacus mula sa Australia, ay isang maliit na lorong kabilang sa tribo ng mga lorong may malalapad na buntot (Platycercini). Paminsan-minsang tinatanggap ito bilang isang subpamilya sa tawag na Platycercinae. Sa huling usapin, minsan ding ibinubukod ang mga budgerigar sa loob ng sarili nilang tribung Melopsittacini, bagaman marahil ay sadyang pinakamalapit sa Pezoporus at Neophema.[2] Bagamat kadalasang tinatawag ng mga parakeet, lalo na sa wikang Ingles na pang-Estados Unidos, tumutukoy ang katawagang ito sa kahit anong bilang ng mga maliliit na loro na may mahahaba at malalapad na buntot. Natatagpuan ang mga budgerigar sa palibot ng mga tuyong parte ng Australia at matagumpay na nakapanitili sa loob ng kontinenteng iyon sa loob ng mahigit sa 5 milyong mga tao.[3] Sa Pilipinas, karaniwang tinatawag ang mga ito sa palayaw na lovebird (hango mula sa wikang Ingles na ang kahulugan sa Tagalog ay "ibon ng pag-ibig") bagaman tumutukoy at mas angkop ang katawagang ito sa ibang uri ng mga lorong may pulpol na buntot.
Melopsittacus undulatus | |
---|---|
Lalaking budgerigar (kulay asul) | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Psittaciformes |
Pamilya: | Psittaculidae |
Sari: | Melopsittacus |
Espesye: | M. undulatus |
Pangalang binomial | |
Melopsittacus undulatus (Shaw, 1805) | |
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.