bayan sa Lalawigan ng Västra Götaland, Suwesya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Munisipalidad ng Tanum (IPA: [²tanːɵm];[3] Tanums kommun) ay isang munisipalidad sa Lalawigan ng Västra Götaland sa kanluraning bahagi ng Suwesya. Ang luklukan nito ay nasa Tanumshede, na may 1,600 mamamayan.
Munisipalidad ng Tanum Tanums kommun | ||
---|---|---|
| ||
Bansa | Suwesya | |
Lalawigan | Lalawigan ng Västra Götaland | |
Luklukan | Tanumshede | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 2,351.35 km2 (907.86 milya kuwadrado) | |
• Lupa | 917.24 km2 (354.15 milya kuwadrado) | |
• Tubig | 1,434.11 km2 (553.71 milya kuwadrado) | |
Lawak mula noong Enero 1, 2014. | ||
Populasyon (Disyembre 31, 2018)[2] | ||
• Kabuuan | 12,873 | |
• Kapal | 5.5/km2 (14/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+1 (OGE) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (OTGE) | |
Kodigo ng ISO 3166 | SE | |
Lalawigan (sinauna) | Bohuslän | |
Hudyat pambayan | 1487 | |
Websayt | www.tanum.se |
Ang kasalukuyang munisipalidad ay nabuo sa pamamagitan ng pagsasanib ng dating tatlong mga kalipunan nito noong 1971. Bago ang pagbabagong pagbabahagi ng 1952 mayroon itong pitong kalipunan.
Simula nang itayo ang unang simbahan dito, ang parokya ay ipinangalan sa dating bukirin ng Tanum (Nordiko Túnheimr). Ang unang baybay ay tún na may pakahulugang 'bukirining bakuran', at ang ikalawang baybay ay heimr na may pakahulugang 'bukid'.
Ang mga pag-uukit sa bato ng Tanum ay pinahayag bilang Pandaigdigang Pamanang Pook ng KPPPNB. Ito ay matatagpuan sa luklukan ng Tanumshede, na may lawak na 18 km2.
Karamihan ng mga pag-uukit ay naglalarawan ng mga tao at mga bapor. May mga ilan ding naglalarawan ng hayop tulad ng mga baka at kabayo.
Ipinatungkol ng Munisipalidad ng Tanum ang mga pag-uukit sa bato sa kanilang eskudo de armas.
Ang lupaing pampuntod ng Greby ay ang pinakamalaking lupaing pampuntod sa Bohuslän at matatagpuan ito malapit sa pamayanan ng Grebbestad.
Ang Tanum ay isa sa mga munisipalidad na isinakatuparan ang paghihiwalay ng mga palikurang pang-ihi upang malabanan ang pandaigdigang kakulangan sa posporo. Ang ihi ay ang may pinakamayamang pinagmumulan ng posporo ayon sa Kasamang Dalubgurong Cynthia Mitchell ng Katatagan sa Likas-kayang Hinaharap ng Pamantasan ng Aghimuan sa Sidni (PAS).
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.