Ang Batas Tydings–McDuffie (opisyal na pangalan: Batas sa Kalayaan ng Pilipinas; Pampublikong Batas Blg. 73-127) na inaprubahan noong Ika-24 ng Marso taong 1934 ay isang pederal na batas ng Estados Unidos na nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) pagkatapos ng sampung taon.

Noong 1934, pinamunuan ng Pilipinong politikong si Manuel L. Quezon ang "misyong pang-kalayaan ng Pilipinas" sa Washington, D.C. na nagtagumpay sa pagpapatibay ng Kongreso sa batas na ito.Kabilang sa mga probisyong tinutulan ng misyong pangkalayaan ni Manuel L. Quezon ang pananatili ng base militar sa Pilipinas;ang walang katiyakang kapangyarihang taglay ng High Commissioner na itatalaga sa Pilipinas; at ang limitasyon kaugnay sa pagpasok ng mga Pilipino sa U.S.A..

Kasaysayan

Nagpunta si Manuel L. Quezon sa Washington DC nang hindi maaprubahan ang Batas Hare–Hawes–Cutting. Nahikayat niyang bumuo muli ang Kongreso ng Amerika ng isang batas para sa kalayaan ng Pilipinas. Ito ay ang Batas Tydings–McDuffie na sinulat nina Senador Millard Tydings at Congressman John McDuffie. Noong 24 Marso 1934, nilagdaan ni Pangulong Franklin Roosevelt ang batas na ito. Pinagtibay ito ng Lehislatura ng Pilipinas noong 1 Mayo 1934.

Layunin ng Batas

Ang ilan sa probisyon ng Batas Tydings–McDuffie ay ang mga sumusunod:

  • Pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt na iiral ng sampung taon bago matamo ang ganap na kalayaan ng Pilipinas.
  • Pagkakaroon ng isang Kumbensyong Konstitusyunal na may mga delegadong Pilipino na babalangkas sa Saligang Batas ng Pilipinas.
  • Paghahalal ng taumbayan ng mga kinatawan sa senado at kongreso
  • Pagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas matapos ang 10 taong pamahalaang Komonwelt
  • Pangangasiwa ng Estados Unidos sa ugnayang panglabas, taripa, at iba pang bagay na may kaugnayan sa pananalapi

Paghahanda ng Konstitusyon

Isa sa mga itinadhana ng Batas Tydings–McDuffie ay ang pagkakaroon ng isang konstitusyon para sa Komonwelt. Nagkaroon ng halalan para pumili ng mga delegadong susulat nito. Sinimulan ng kumbensiyon noong 30 Hulyo 1943 at si Claro M. Recto, isang kilalang iskolar, abogado at manunulat, ang nahalal na pangulo nito.

Hangad ng mga delegado na magsama ng mga probisyong pabor na pabor sa damdaming Pilipino ngunit di nila ito magawa. May mga kondisyong ibinigay ang Amerikano. Isa na rito ang pagtatamasa ng Amerikano ng karapatang sibil na nararapat lamang sana sa mga Pilipino. Isa pa ring kondisyon ay ang patuloy na pagkontrol ng EU sa pakikipag-ugnayang panlabas at usaping pananalapi.

Pinagtibay ng mga mamamayan ang Konstitusyon noong 14 Mayo 1935. Noong 16 Hunyo 1935, nahalal na pangulo si Manuel L. Quezon at si Sergio Osmeña naman ang Pangalawang Pangulo.

Tingnan din

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.