Ang Austria-Hungriya (Aleman: Österreich-Ungarn; Hungaro: Ausztria–Magyarország), pormal na Monarkiyang Austro-Hungaro, ay estadong umiral sa Gitnang Europa mula 1867 hanggang 1918. Ito ang naging pagsasanib ng Imperyo ng Austria at ng Kaharian ng Hungary hanggang ito'y lansagin dulot ng pagkatálo nito sa Unang Digmaang Pandaigdig. Ang pagsasanib ay bunga ng Austro-Hungarian Compromise ng 1867 na ipinatupad noong 30 Marso 1867. Binubuo ng dalawang monarkiya ang Austria-Hungary (Austria at Hungary), at ng isang awtonomong rehiyon: ang Kaharian ng Croatia-Slavonia na nasa ilálim ng korona ng Hungary na siyang nakipagnegosasyon para sa Croatian–Hungarian Settlement (Nagodba) noong 1868. Pinamunuan ito ng Dinastiyang Hapsburg, at siyang naging huling kabanata ng ebolusyon ng Monarkiyang Habsburg. Kasunod ng mga reporma noong 1867, naging magkapantay ang mga estado ng Austria at ng Hungary. Magkasámang nitong pinamamahalaan ang ugnayang panlabas at ang militar, ngunit ang lahat ng iba pang kagawaran ng pamahalaan ay pinaghatian at kaniya-kaniya nitong pinamahalaan.

Agarang impormasyon Monarkiyang Austro-HungaroÖsterreichisch-Ungarische Monarchie (Aleman)Osztrák–Magyar Monarchia (Hungaro), Kabisera at pinakamalaking lungsod ...
Monarkiyang Austro-Hungaro
Österreichisch-Ungarische Monarchie (Aleman)
Osztrák–Magyar Monarchia (Hungaro)
1867–1918
Thumb
Thumb
Tuktok: Mga Watawat ng Cisleithania at Transleithania
Ibaba: Watawat ng Sibil/Merchant
Thumb
Eskudo
Salawikain: Indivisibiliter ac inseparabiliter
"Di-mahahati at di-mahihiwalay"
Awitin: Gott erhalte, Gott beschütze
"Diyos ipreserba, Diyos iprotekta"
Thumb
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
  • Viena
  • 48°12′N 16°21′E
  • Budapest
  • 47°26′N 19°15′E
Wikang opisyal
KatawaganAustro-Hungaro
PamahalaanKonstitusyonal na dalawahang monarkiya
Emperador-Hari 
 1867–1916
Francisco Jose I
 1916–1918
Carlos I & IV
LehislaturaTwo national legislatures
 Imperial Council
  • House of Lords
  • House of Deputies
 Diet of Hungary
  • House of Magnates
  • House of Representatives
Panahon
 1867 Compromise
30 March 1867
 Dual Alliance
7 October 1879
 Bosnian Crisis
6 October 1908
 July Crisis
28 June 1914
 Invasion of Serbia
28 July 1914
 Empire dissolved
31 October 1918
 Austrian Republic
12 November 1918
 Hungarian Republic
16 November 1918
 Treaty of Saint-Germain
10 September 1919
 Treaty of Trianon
4 June 1920
Lawak
1905621,538 km2 (239,977 mi kuw)
Salapi
  • Florin
    (1867–1892)
  • Krone
    (1892–1918)
Pinalitan
Pumalit
Imperyong Austriano
Legal successors:
Austria
Hungriya
Other territorial successors:
Czechoslovakia
Poland
West Ukraine
Yugoslavia
Romania
Italy
Isara

Isang estadong multinasyonal ang Austria-Hungary at isa sa mga pinakamakapangyarihang bansa noong panahong iyon. Sa lawak nitong 621,538 km², ito ang ikalawang pinakamalawak na bansa sa Europa, kasunod ng Imperyong Ruso, at ikatlo sa pinakamatáo (kasunod ng Rusya at Imperyong Aleman). Naitayô ng imperyo ang ikaapat na pinakamalaking industriya ng pagawaan ng makina sa buong mundo, kasunod ng Estados Unidos, Alemanya, at ng United Kingdom.[1] Naging ikatlong pinakamalaking tagagawa at tagaluwás ng mga elektronikong kagamitang pambahay at pang-industriya, at mga aparatong panlikha ng kuryente para sa mga planta ng kuryente, kasunod ng Estados Unidos at Imperyong Aleman.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.