Pilipinong politiko From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Arnulfo P. Fuentebella (29 Oktubre 1945 – 9 Setyembre 2020) ay dating Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 2000 hanggang 2001. Siya ay ang dating Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Camarines Sur na mas kilala sa tawag na Distrito Partido.
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Arnulfo P. Fuentebella | |
---|---|
Ika-19 na Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Nobyembre 13, 2000 – Enero 24, 2001 | |
Pangulo | Joseph Estrada (2000–2001) Gloria Macapagal-Arroyo (2001) |
Nakaraang sinundan | Manuel Villar, Jr. |
Sinundan ni | Feliciano Belmonte Jr. |
Diputadong Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Luzon | |
Nasa puwesto Hulyo 23, 2007 – Hunyo 30, 2013 | |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikatlong Distrito ng Camarines Sur | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2004 – Hunyo 30, 2010 | |
Nakaraang sinundan | Felix William "Wimpy" B. Fuentebella |
Sinundan ni | Luis Villafuerte |
Nasa puwesto Hunyo 30, 1992 – Hunyo 30, 2001 | |
Nakaraang sinundan | Eduardo P. Pilapil |
Sinundan ni | Felix William "Wimpy" B. Fuentebella |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikaapat na Distrito ng Camarines Sur | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2016 – Hunyo 30, 2019 | |
Nakaraang sinundan | Felix William "Wimpy" B. Fuentebella |
Sinundan ni | Arnulf Bryan Fuentebella |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30, 2013 | |
Nakaraang sinundan | Felix Alfelor, Jr. |
Sinundan ni | Felix William "Wimpy" B. Fuentebella |
Personal na detalye | |
Isinilang | 29 Oktubre 1945 Goa, Camarines Sur |
Yumao | 9 Setyembre 2020 74) San Fernando, Pampanga | (edad
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Nationalist People's Coalition United Nationalist Alliance |
Asawa | Evelyn Buquid Fuentebella |
Anak | Patricia Rinah F. Aldaba Felix William "Wimpy" B. Fuentebella Arnulf Bryan "Arnie" B. Fuentebella Pamela Rinah B. Fuentebella John Vincent B. Fuentebella Eugene Adrian B. Fuentebella |
Tahanan | Abo, Tigaon, Camarines Sur (panlalawigan) Lungsod Quezon (Kalakhang Maynila) |
Alma mater | Pamantasan ng Pilipinas |
Propesyon | Abogado |
Si Arnulfo "Noli" Fuentebella ay ipinanganak noong ika-29 ng Oktubre, taong 1945 sa Camarines Sur kay dating Kinatawan at Gobernador Felix A. Fuentebella at Rita Palma.
Siya ay natuto sa kanyang kinalakihang lalawigan at iginugol ang kanyang buong buhay sa pagiging scout hanggang siya ay maging Life Scout . Sa edad na 15, si Fuentebella ay naging kasapi ng delegasyon ng Pilipinas sa ika-50 anibersaryo ng Boy Scouts ng Amerika noong 1960.
Nag-aral siya ng abogasya sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1970 at nagtapos bilang ika-7 sa kanyang klase at nakapasa sa Bar Exams noong 1971.
Matapos siyang makapasa sa Bar Exams, si Fuentebella ay nagsimula ng kanyang sariling pamilya kasama ang kanyang kabiyak na si Evelyn at nagpursigi sa karera sa abogasya at pagbabangko, sa pag-asang makakalagpas siya sa tigre ng pulitika na nakakabit sa kanyang pangalan.
Ngunit nang si Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nagdeklara ng batas militar at nagtawag ng halalan sa Interim Batasang Pambansa (IBP), si Noli ay napili ng Pangulo na lumaban sa Kongreso upang maging kinatawan ng Partido.
Siya ay nanalo sa halalan at nagsilbi bilang mambabatas sa IBP mula 1978 hanggang 1984. Subalit, hindi siya nagwagi sa 1984 Regular Batasang Pambansa at ginamit ang mga panahong ito upang gamitin ang kanyang nalalaman sa abogasya sa New York, kung saan siya napabilang sa State Bar. At nangyari ang EDSA Rebolusyon at si Pangulong Marcos ay lumipad sa Hawaii. Dahil ang mga Fuentebella ay naging kilala kasama ang mga Marcos, si Noli ay hindi lumaban noong mga taon ni Cory Aquino.
Noong 1992, ang mga kaalyado sa pulitika ay kinumbinsi siyang lumaban muli sa Kongreso. Bumalik si Noli sa pulitika at nanalo ng tatlong magkakasunod na termino bilang Mambabatas (1992-2001).
Matapos ipasa ni noo'y Ispiker Manuel Villar, Jr. ang mga Artikulo ng Impeachment ni Pangulong Joseph Estrada sa Senado, si Fuentebella ay nahalal bilang Ispiker matapos na mag-mosyon ang mga kaalyado ni Estrada sa Kapulungan ng mga Kinatawan na gawing bakante ang lahat ng mga posisyon sa Kapulungan; nagwagi si Fuentebella sa nominasyon.
Noong Enero 20, 2001 sa EDSA Rebolusyon ng 2001, iniwan ni Estrada ang Palasyo ng Malacañan at naluklok sa pagkapangulo si Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo sa Dambana ng EDSA ni Punong Mahistrado Hilario Davide, Jr. Kasama ni Davide ay ang mga pinuno ng mga kapulungan sa Kongreso, sina Aquilino Pimentel, Jr. at Fuentebella. Makalipas ang apat na araw, noong Enero 24, ang mga kaalyado ni Arroyo ay nakakuha ng sapat na boto upang alisin si Fuentebella sa puwesto, na pinalitan ng kinatawan ng Lungsod Quezon na si Feliciano Belmonte, Jr.
Nang si Noli ay nakapagsilbi ng mahigit sa tatlong magkakasunod na termino bilang mambabatas, ang kanyang anak na si Felix William/Wimpy ang humalili sa kanya sa loob ng isang termino (2001-2004). Sa mga panahong ito, kumuha si Noli ng post-graduate courses sa Kennedy School of Governance sa Harvard University. Muling lumaban si Noli sa Kongreso at nanalo ng tatlong magkakasunod na termino (2004-2013).
Siya ay napaka-instrumental sa napipintong pagbubuo sa bagong lalawigan na tatawaging Nueva Camarines, na bubuuin ng Ikaapat at Ikalimang Distrito ng Camarines Sur.
Sa ika-14 na Kongreso ng Pilipinas, si Fuentebella ay nahalal bilang Deputy Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas sa Luzon.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.