From Wikipedia, the free encyclopedia
Apollo 11 ay ang paglipad sa kalawakan na unang nakapaglapag ng tao sa Buwan. Si Kumander Neil Armstrong at ang piloto ng lunar module na si Buzz Aldrin, pareho Amerikano, ay nilapag ang Apollo Lunar Module Eagle ("Banoy") noong Hulyo 21, 1969, nang 4:17 PST. Si Armstrong ang naging kauna-unahang tao na makaapak sa ibabaw ng Buwan makalipas nang anim na oras, nang 10:56 PST; pagkatapos ng labinsiyam na minuto, sumama si Aldrin sa kanya. Umabot sila nang dalawa at sangkapat na oras sa labas ng sasakyang pangkalawakan, at nagtipon sila ng 47.5 kilogramong mga materyales na galing sa Buwan para maibalik sa Daigdig. Ang piloto ng command module na si Michael Collins ay nilipad nang mag-isa ang command module Columbia sa ligiran ng Buwan habang sila ay nasa ibabaw nito. Sina Armstrong at Aldrin ay umabot nang 21.5 na oras sa Buwan sa isang pook na pinangalan nilang Tranquility Base bago sila ay bumalik sa Columbia.
Ang unang apak ni Armstrong sa ibabaw ng Buwan ay naibrodkast sa telebisyon nang totoong oras sa mga tagapanood sa buong mundo. Itinawag niya ang pangyayari bilang "isang apak na maliit para sa [isang] tao, isang napakalaking apak para sa sangkatauhan." Apollo 11 ay mabisang naitapos ang Space Race sa pagitan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet, at naitupad ang layuning pambansa na iminungkahi ni Pangulong John F. Kennedy: "bago matapos ang dekadang ito, ang paglapag ng isang tao sa Buwan at maibalik siya nang ligtas sa Daigdig."
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.