Si Aljo Bendijo (ipinanganak bilang Alexes Joseph Rubia Bendijo noong 6 Pebrero 1974) ay isang mamamahayag at brodkaster mula sa Pilipinas. Isinilang sa lungsod ng Davao, Meron siyang dalawang babaeng kapatid at dalawang anak. Si Bendijo ay nagtapos ng kursong Broadcast Communication sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at abogasya (LL.B) sa Arellano University School of Law, Lungsod ng Pasay, Kalakhang Maynila.

Agarang impormasyon Kapanganakan, Nasyonalidad ...
Aljo Bendijo
Thumb
Aljo Bendijo as one of the hosts of Good Morning Boss shown simulcast on PTV 4.
Kapanganakan
Alexes Joseph Rubia Bendijo

(1974-02-06) 6 Pebrero 1974 (edad 50)
NasyonalidadFilipino
Trabahobroadkaster, mamahayag, kometarista
Aktibong taon1995–kasalukuyan
Isara

Kasalukuyan siyang anchor at komentarista ng programang "Sonshine Newsblast" ang flagship newscast program ng himpilang DZAR 1026 sa Maynila. Dati na ring siyang tagapagbalita at tagpag-ulat ng telebisyon ng ABS-CBN, RPN 9 at PTV 4 bago lumipat sa himpilang DZAR 1026.

Tala ng mga programa

Mga dati at kasalukuyang programa ni Bendijo sa radyo at telebisyon:

  • TV Patrol Katimugang Mindanao, tapagbalita at taga-ulat. (ABS-CBN Regional Network Group. 1994-2000)
  • TV Patrol-Manila, tapagbalita at taga-ulat. (2001-2003)
  • Radio Philippines Network channel 9, tapagbalita at taga-ulat ng programang Newstach Aksyon Balita. (2006-2007)
  • People`s Television Network channel 4, tapagbalita at taga-ulat ng mga programang Batingaw at Teledyaryo. (2007-2013)
  • DZAR 1026, komenterista at tagapagbalita sa radyo, "Sonshine Newsblast". (2007 hanggan kasalukuyan)

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.