Si Alexandre Dumas (ipinanganak noong 24 Hulyo 1802 sa Villers-Cotterêts bilang Dumas Davy de la Pailleterie - namatay noong 5 Disyembre 1870 sa Dieppe), at tinatawag din bilang Alexandre Dumas, père (nangangahulugang "Alexandre Dumas, na ama o "Alexandre Dumas, Sr." upang maipagkaiba siya sa kaniyang anak na lalaking kapangalan niya) ay isang manunulat na Pranses. Nakikilala siya dahil sa pagsulat ng Ang Tatlong mga Musketero (1844), Reyna Margot, Ang Konde ng Monte Kristo (1844-1845) at Ang Lalaking nasa loob ng Maskarang Bakal.

Ang anak na lalaki ni Alexandre Dumas ay isa ring manunulat at kapangalan niya. Para sa anak niyang ito, tingnan ang Alexandre Dumas, fils
Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...
Alexandre Dumas
Thumb
Kapanganakan24 Hulyo 1802[1]
  • (arrondissement of Soissons, Aisne, Hauts-de-France, Metropolitan France, Pransiya)
Kamatayan5 Disyembre 1870[2]
  • (Dieppe, canton of Dieppe-Est, arrondissement of Dieppe, Seine-Maritime, Normandy, Metropolitan France, Pransiya)
MamamayanPransiya[3]
Trabahonobelista, mandudula,[4] manunulat[4]
Pirma
Thumb
Isara

Si Dumas ay isa ring gourmand (mahilig sa pagkain), at isinulat niya ang Le Grand Dictionnaire de cuisine (Ang Malaking Diksyunaryo ng mga lutuin), na sa katanuyan ay isang ensiklopedya ng pagkain at pagluluto na mayroong 1,152 mga pahina[5]. Natapos niyang isulat ang aklat bago siya mamatay. Iniisip ang aklat bilang napaka hindi maaasahan, sapagkat nakasandig ito sa mga opinyon ni Dumas sa halip na sa katotohanan.[5]

Si Dumas ay naging kasapi sa Club des Hashischins, o Samahan ng Hashish. Ang pangkat na ito ng mga manunulat na Pranses ay nag-eksperimento sa paggamit ng hashish upang makakuha ng mga ideya.[6]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.